top of page
Search
  • BULGAR

Marcos inaugural address, tagos sa mga Pinoy entreps

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 5, 2022




Hello, Bulgarians! “President Marcos spoke of the people’s dreams being his own dreams, of wishing for a better life in a safer, more prosperous country. I think that resonated deeply with our country’s small entrepreneurs,” sabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion nang batiin niya si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang inagurasyon bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas.


“Labis akong naantig sa inaugural address ng Pangulo," ani Concepcion. “Ibinahagi niya ang isang komprehensibong pananaw para sa ating bansa, at ang katungkulan ng pamahalaan para sa mga mamamayan nito."


Sinabi ni Concepcion na suportado ng pribadong sektor ang Pangulo, lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa ilang hamon sa larangan ng kalusugan at ekonomiya. “Naramdaman ko ang kanyang sinseridad at determinasyon na magdulot ng mas magandang buhay para sa ating lahat at ang pagnanais ng bansa para sa pagkakaisa at isang mas magandang kinabukasan, at ang pangako ng “isang komprehensibo at pangkalahatang plano. Lahat tayo ay nagnanais ng mas magandang buhay para sa mga Pilipino, at ang ating mga MSME ay handang magsikap para sa kinabukasan na sagana at sapat,” sabi ni Concepcion.


Nananatiling optimistic ang founder ng Go Negosyo na ang mga plano ng Pangulo na unahin ang agrikultura at isulong ang self-sufficiency ay mangangahulugan ng tulong para sa mga magsasaka sa bansa, marami rito ay mga self-employed agripreneur.


“Dahil sa maraming hamon na kinakaharap natin ngayon, sumasang-ayon ako sa Pangulo na kung mas maaga tayong magsimula, mas tiyak at mas mabilis na makakamit ang ating mga layunin para sa hinaharap, sa palagay ko, alam ng Pangulo na ang pandemya at ang inflation na dala ng digmaan sa Europa ay hindi patas na nakaapekto sa pinakamaliit at pinaka-mahina, lalo na ang mga MSME, at kakailanganin nila ang lahat ng tulong na maibibigay natin sa kanila," sabi niya.


Ipinahayag din ni Concepcion ang kanyang suporta sa administrasyong Marcos sa patuloy nitong pamamahala sa Covid pandemic. “Ginagawa ng pribadong sektor ang makakaya nito upang matulungan ang gobyerno sa larangan ng kalusugan," aniya.


“Kasama ang milyun-milyong Pilipino na naghahangad ng mas magandang buhay, ipinagdiriwang ko ang simula ng bagong yugtong ito sa kasaysayan ng bansa na may pag-asa na pasasalamat sa dedikasyon ng ating bagong Pangulo sa pag-angat ng negosyanteng Pilipino,” ani Concepcion.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page