P60 dagdag-sahod, start na

ni Mylene Alfonso @News | September 27, 2026

Photo: File
Epektibo na ang P60 na dagdag sa sahod ng minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) simula kahapon, Setyembre 26.
Ayon sa Department of Labor Employment (DOLE), mula P695 ay magiging P755 na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa non-agriculture sector.
Habang ang mga manggagawa sa agriculture sector, retail and service establishments na may 15 o kaunti pang katao, at manufacturing firms na may 10 o kaunti pang katao ay makakatanggap na ng P718 na arawang sahod mula sa P658.
Tiniyak ng DOLE na patuloy nilang babantayan ang pag-iimplementa ng wage order, gayundin ang paggabay sa mga manggagawa at employers para sa maayos nitong implementasyon.





Comments