MARCO, KUMANTANG NAPAG-UUSAPAN NA NILA NI CRISTINE ANG KASAL
- BULGAR
- Feb 3, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 3, 2024

Kinumpirma ni Cristine Reyes na matagal nang annulled ang marriage niya with Ali Khatibi na siyang ama rin ng anak niyang si Amarah.
Inamin ito ng aktres sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda with boyfriend Marco Gumabao last Thursday.
Natanong kasi ng host na si Boy Abunda sa dalawa kung napag-uusapan na ba ng mga ito ang kasal.
Mabilis na sagot ni Marco, “Of course.”
He added, “I mean, basta ang usapan namin is 'yung future together. Pero 'yung details or kung ano, of course, konti-konti. Pero 'yung mas longer ano, yeah. ‘Yun ang napag-uusapan namin. The long view, yes.”
Kasunod nga nito ay tinanong ni Kuya Boy si Cristine kung annulled na ito.
“Matagal na, Tito Boy, more than a year. Kasi, Tito Boy, hindi ko naman s’ya in-announce, eh. It’s not something I should celebrate,” sagot ni Cristine.
Sa naturang panayam ay nabanggit nga ni Marco na nagkakilala na raw ang mga mommies nila at sobrang click daw ng dalawa.
“Very close siya sa family ko and at the same time, we also hang out with her family,” sabi ni Marco.
“One time, we brought her mom sa church so that was a very memorable experience for us.
“Kumbaga, the first time na nag-meet ang mom ko and mom niya, tuwang-tuwa kami kasi it was in a church setting and after that, we had lunch, tapos sobrang click ‘yung mom ko at ‘yung mom niya.
“So, nag-uusap sila, parang they had their own bubble, they had their own world. So, tuwang-tuwa kami just watching them. Tapos ‘yun, parang it’s a very touching sight to see,” tsika ni Marco.
Comments