top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

MARC, "REYNA" ANG TAWAG KAY KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 21, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 21, 2023



Ang sarap makita sa iisang photo ang mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimb kasama ang mga anak yata ni Marc Leviste.


Si C2 lang kasi ang alam naming pangalan ng anak niya dahil nabanggit ito ng Batangas vice-governor. Pero ‘yung girl sa photo, anak din yata ni Marc na Arielle ang name, at pati 'yung isa pang guy.


Ang caption ni Marc sa kanyang post ay: “The Queen’s Crew” at ang binanggit na queen ay si Kris.


Bukod sa mga doktor na nag-aalaga at gumagamot kay Kris, tumutulong din sina Josh, Bimb, Marc at mga anak nito na pasayahin si Kris at samahan siya, kaya “The Queen’s Crew” ang kanyang itinawag.


Mababasa uli sa mga comments na pinasasalamatan si Marc ng mga nagmamahal kay Kris by being there and for helping their idol to heal.


Ang ganda sa mata ng mga fans ni Kris na makitang nagkakasundo ang mga anak nila ni Marc at ang forever ng dalawa ang isinasama nila sa mga prayers nila ng paggaling ni Kris.


Ang laking bagay din sa mga nagmamahal kay Kris ang ginawa ni Marc na samahan si Josh sa Sky Zone na bukod sa nakapag-workout sila ay nakapag-bonding pa. Enjoy na enjoy si Josh sa pagtalun-talon sa trampoline at sinamahan siya ni Marc.


Ang missing na lang sa post ni Marc ay si Kris, kaya ang request sa kanya ng mga fans at netizens, sa susunod, isama nila sa mga photos si Kris dahil nami-miss na siyang makita ng kanyang mga fans.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page