top of page

Marc Logan, tawid-TV5 na

  • BULGAR
  • Mar 18, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 18, 2024




Pumirma na ng kontrata ang sikat na broadcaster na si Marc Logan sa TV5 kamakailan at kasama ang top executives ng network sa mga dumalo sa nasabing event.


Mapapanood na simula sa Abril 6 ang show ng mamamahayag na 'Top 5 Mga Kwentong Marc Logan.'


Kilala at minahal ng mga tao si Logan dahil sa natatangi nitong talento sa pagpapatawa at nangako naman itong maghahatid sa madla ng isang programang makakapag-alis ng pagod at problema.


Sa nasabing show ibibida ang mga kakaibang kwento ng mga tao, lugar at pangyayari na magdadala ng katatawanan, aliw, at kakaibang pagbabahagi ng kuwento ni Marc Logan.


May tatlong special segments din ang show tulad ng: “Taba ng U-Talk”, ManOpet!, at Pakitalk-kitalk.


Siguradong mapupukaw ng batikang broadcaster ang atensyon at puso ng mga manonood dahil makakaasa ang taumbayang katatawanan ang hatid ng show nito sa bawat episode.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page