top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Maraming pulis ang nadale ng COVID-19, pasaway pa more!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 11, 2021



Bubuhayin ang Cha-Cha.


Talagang wala silang magawa sa buhay.


Lintek!


◘◘◘


Limang trilyong piso ang badyet sa 2022.


Pambili ng boto.


Ha-ha-ha!


◘◘◘


Pinakyaw ng Europe at America ang COVID-19 vaccines.


Dati nang mga gahaman at sakim ang mga 'yan!


◘◘◘


Sa takbo ng mga ulat, tatanghod ang mga Pinoy habang may mass vaccination sa buong mundo.


Isang mapait at malungkot na senaryo!


◘◘◘


Dumarami na ang may sakit sa puso at namamatay nang biglaan.


Mas grabe ang stress kaysa COVID-19!


◘◘◘


Pinagagrabe ang epidemya ng stress ng mismong media at propaganda ng gobyerno.


Walang saykologo at saykayatrist ang gobyerno na ikinakalat sa mga barangay.


Bakit?


Sapagkat sila ay under-stress, walang kakayahang magdesisyon nang tumpak para sa nakararami!


◘◘◘


Mass promotion ang diskarte sa public at private school.


Nahihirapan ang mga estudyante at guro sa online class.


Ang mga may-ari ng private school—nagpapasasa sa matrikulang hindi ginamitan ng school facilities at personnel.


◘◘◘


Maraming opisina ng gobyerno ay wala ring trabaho—pero tuloy ang suweldo ng mga palpak na ehekutibo.


Kaawa-awa ang taumbayan na nakatanghod at namamatay isa-isa sa stress.


◘◘◘


Marami pulis ang may COVID-19.


Hindi kasi sila sumusunod sa protocol.


Hindi ba?


◘◘◘


Kakaunti na rin ang krimen at kriminal.


Naubos na sila ng COVID-19!


◘◘◘


Kakaunti na rin ang dumaranas ng ibayong hirap.


Nangamatay na sila sa nagdaang 10 buwan nang walang “kalaban-laban” at hindi napapansin ng panic na pamahalaan!


◘◘◘


Bagumbago na ang buong henerasyon sa taong 2021.


Lalong bagumbago na ang mundo sa 2022!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page