top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Maraming Pinoy, ayaw magpatiuna sa bakuna kontra COVID-19, takot ma-‘Dengavaxia!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 17, 2020



May COVID vaccine na raw sa Enero sa Pilipinas?


Huh, ‘yung mga bilyunaryo papayag bang hindi mabakunahan kasabay ng mga Kano, Briton at Canadian?


◘◘◘


Pero 30 porsiyento ng mga Pinoy ay ayaw ma-‘Dengvaxia’.


Ibig sabihin, ayaw nilang magpatiuna, baka madale ng side-effects!


◘◘◘


May nakita raw sapat na ebidensiya ng International Criminal Court na nagdidiin kay P-Digong sa paglabag sa human rights.


Eh, sino ang mag-i-implement?


Ang CPP-NPA-NDF ba?


◘◘◘


Nakakuha na ng “lupa” pabalik sa earth ang Hayabusa spacecraft ng Japan mula sa asteroid.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


Ibinalita ng Japan na may mga organic soil ang lupa mula sa asteroid.


Huh, matutuwa ang mga plantito’t plantita!


◘◘◘


Opisyal nang idineklara ng electoral college si Joe Biden bilang nanalong pangulo laban kay Donald Trump.


Ganyan kabagal ang proseso ng eleksiyon sa Amerika!


◘◘◘


Inaasahan sasampahan ng katakut-takot na kaso si Trump sa susunod na taon.


Nai-export na ng Pinoy sa US ang pagiging benggador!


◘◘◘


Abala na ang ilang pulitiko sa pagpasyal sa mga lalawigan kahit may COVID.


Mabibisto mo kung sinu-sino ang nagkamal ng salapi sa panahon ng krisis!


◘◘◘


Wala nang bagyo ngayon Disyembre.


Salamat kay Lord!


◘◘◘


Sa pangungulit, maaaring makarating na sa Pilipinas ang COVID vaccine sa unang tatlong buwan ng taon.


Siyempre, marami ring bilyunaryong Pinoy!


◘◘◘


Magkaroon na ng dry run ang face-to-face class.


Linsiyak, praktis ‘yan kay Kamatayan!


◘◘◘


Online na rin ang Metro Manila Film Festival.


Puwedeng manood sa mga bahay at hotel exclusively!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page