top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

High Society, sumikwat ng panalo sa 3-YO Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 6, 2023


Pinasaya ni High Society ang kanyang mga tagahanga matapos sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.


Sinamantala ni class A rider O'Neal Cortez ang tulin sa largahan ni High Society upang hawakan ang unahan habang kinukulit naman sila ni Compassion na sinakyan ni Conrad Henson.


Dikdikan ang dalawang nabanggit na kabayo pero pagsapit ng far turn ay unti-unting kumakalas si High Society sa pagkakakapit sa kanya ni Compassion.


Kaya naman pagsungaw ng rektahan ay abante na si High Society ng tatlong kabayo sa umagaw ng pangalawang puwesto na si Gugma.


Walang kahirap-hirap na tinawid ni High Society ang meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nilista ni High Society ang tiyempong 1:26.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner na si RB David.


Tatlong kabayo ang agwat ni High Society sa pumangalawang si Gugma, dumating na tersero si Modern Stroke habang pumang-apat si Cash On Hand.


Naging masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang noong Sabado dahil halos lahat ng pinakawalan na karera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ay bakbakan ang naging labanan sa rektahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page