Maraming namatay sa COVID, pero mas maraming namatay sa stress!
ni Ka Ambo - @Bistado | June 22, 2021
Iimbestigahan daw ang troll farms.
Magagalit na naman ang mga magsasaka!
◘◘◘
KINONTRATA na ang 40 million doses ng Pfizer.
Yipee!
◘◘◘
NABIBISTO ang kahinaan ng Sinovac.
Para ‘yan sa mga ayaw magpabakuna!
◘◘◘
SOBRA-SOBRA ang supply ng COVID vaccine sa mauunlad na bansa.
‘Yung tira-tira ay ido-donate sa ‘Pinas!
◘◘◘
PUWEDE na raw mangisda sa Manila Bay.
Hindi kaya puro alimasag ang mahuli?
◘◘◘
HINDI natatakot si Senate President Vicente “Tito” Sotto na makalaban si P-Digong sa pagka-bise-presidente.
Inaakala niyang hindi ito makakatapos sa kampanya!
◘◘◘
BABALIK daw sa Senado sina Chiz Escudero at Loren Legarda.
Nabawasan na naman ng slot ang mga baguhan!
◘◘◘
AKTUWAL nang naglalaho ang COVID sa Metro Manila.
Kung gayun, maghanda na sa third wave!
◘◘◘
WALA na ring matinding atake ng COVID sa alinmang bansa sa daigdig.
Wala kasing peste na tumatagal nang 24-buwan.
Kusang naglalaho ‘yan!
◘◘◘
NAKALULUNGKOT na masaksihan natin nang aktuwal ang kaliwa’t kanang pagkamatay ng mga personal nating kakilala sa panahon ng pandemic.
Marami ang namatay sa COVID, pero mas marami ang namatay sanhi ng stress!
◘◘◘
KALIWA’T kanan ang nawalan ng trabaho.
Kaliwa’t kanan din ang nawalan ng negosyo!
◘◘◘
NGAYON lang naranasan ng ating henerasyon ang ganitong klaseng pandemic na pangdaigdig.
Kahit ang dambuhalang bansang U.S., China at Russia ay pineste!
◘◘◘
MATAGAL nang ibinababala ang Armageddon o ang delubyo, pero walang naniniwala.
Aktuwal nang delubyo ang nararanasan ngayon!
◘◘◘
KUNG delubyo ang nararanasan ng buong daigdig, nasaan ang Bagong Kristo?
Huh, baka busy lang sa TikTok?
◘◘◘
HINDI ba kayo nagtataka, walang gamot na inimbento kontra COVID, pero bakuna lang?
Hindi sila titipak kapag may gamot kontra COVID!
◘◘◘
PAGDATING ng panahon, ang COVID ay maituturing lang na isang klase ng trangkaso at pneumonia.
Marami ang na-scam!





Comments