Marami ang nababahala na posibleng dumami ang kaso ng pagnanakaw!
- BULGAR
- Oct 28, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | October 28, 2021
MATAAS ang approval rating ng PNP.
Ito ay batay sa inilabas na resulta ng opinion survey ng Publicus Asian, Inc.
◘◘◘
UMANGAT pa nang eight-point ang trust rating ng PNP na may total high trust na 35.2 point kumpara sa naunang 28.8 sa huling survey.
Ikinatuwa ni PNP Chief Guillermo Lorenzo Eleazar ang positibong gradong ito!
◘◘◘
WIKA ni Gen. Eleazar, “The Philippine National Police welcomes the result of the survey conducted from October 11 to 18 which showed improved trust and approval ratings for the police organization.”
Hiniling ng hepe ng PNP sa mga pulis na ibalik ang tiwala ng publiko at bigyang-prayoridad ang interes ng mamamayan!
◘◘◘
NILINAW ni Eleazar na walang puwang sa PNP ang mga iskalawags na kanyang kinakasuhan, dinidisiplina at sinisibak upang magtiwala ang publiko.
Ayon kay Eleazar, “Nagpapasalamat ako sa publiko sa patuloy na pagbibigay ng kanilang tiwala sa aming organisasyon sa kabila ng mga alegasyon sa aming hanay dulot ng ilang pulis-patola na sumisira sa aming imahe.”
◘◘◘
SA totoo lang, aktuwal na dumaranas ng krisis sa ekonomiya.
Marami ang nababahala na posibleng dumami ang kaso ng pagnanakaw!
◘◘◘
NOON ay sandamakmak ang holdaper sa Maynila, Pasay, Parañaque area pero mula nang manungkulan si Eleazar, naglaho ang mga ito.
Karaniwang alaga ng mga police protector ang mga hoodlums sa kalye!
◘◘◘
PERO, ipinatupad ni Eleazar ang internal cleansing na aktuwal na pagpupurga sa hanay ng pulisya.
Dahil nasibak sa tungkulin ang mga protector na pulis, naresolba ang talamak na kriminalidad sa kalye!
◘◘◘
HINIHILING ng mga taga-Pasay at Parañaque na bantayan ang Baclaran area dahil sa pagsulpot ng mga holdaper sa bandang tulay sa Baclaran.
Maaari kasing nag-aalaga na naman ang mga parak ng mga isnatser na nagbibigay ng “quota”!
◘◘◘
SANA’Y magtagal sa tungkulin si Eleazar pero nakatakda na siyang magretiro sa susunod na buwan.
Hinihiling ng ilang sektor na kumandidatong senador si Eleazar upang masubaybayan nang mabuti ang Pambansang Pulisya!





Comments