Mapasaya lang ang 'love' niya… MARK LEVISTE, GUMASTOS NANG BONGGA PARA SA B-DAY NI KRIS
- BULGAR
- Feb 17, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 17, 2023

So, confirmed na ngang si Batangas Vice-Governor Mark Leviste ang lalaking lumipad pa mula sa 'Pinas papuntang Tate para dalawin lang si Kris Aquino sa kanyang birthday last Feb. 14.
Ito ay nabuking dahil sa ipinost ng Nice Print na video tribute na ipinagawa ni VG Mark sa kanila para sa birthday ni Krissy.
Ang caption ng naturang post ng Nice Print, “Vice-Gov @markleviste asked us to make this special surprise AVP for the birthday girl, Ms. @krisaquino which Mark personally showed her yesterday in Los Angeles. Sharing here also with all of you. Happy birthday Kris! You are loved."
Grabe naman pala ang effort ng public servant mapasaya lang si Kris dahil bukod sa pagpunta sa US, may birthday video tribute pa siya para kay Kris.
Compilation ng throwback pictures ni Kris mula nu'ng bata pa ito hanggang ngayon at video clips ng birthday greetings ng mga malalapit sa puso ni Kris tulad ng mga kapamilya at kaibigan ang nilalaman ng naturang video tribute.
May special message rin du'n si VG Mark Leviste kung saan tinawag niyang 'my love' si Kris.
Espekulasyon tuloy ng mga netizens, may nabubuo nang romansa sa pagitan ng dalawang personalidad.
Pero, tahasan namang nilinaw ni Kris na closest "male friend" lang niya ang pulitiko at hindi boyfriend.




Comments