Mapa-babae o lalaki, meron daw talaga… PROSTITUSYON SA BEAUTY PAGEANTS, KINUMPIRMA NI DIREK JOEL
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 14, 2026

Photo: Direk Joel Lamangan via Interview
Tatlong taon mang naging bahagi ng Batang Quiapo ang award-winning director na si Joel Lamangan kung saan sumikat ang kanyang role sa serye ni Coco Martin bilang “Roda”, hindi naman niya tuluyang iniwan ang pagdidirek ng pelikula.
In fact, may entry nga ngayon si Direk Joel sa Sinag Maynila Festival, ang All About Her na mapapanood simula sa March 23 to 29 sa ilang piling sinehan.
Ang istorya ng All About Her ay inspired sa nangyaring pagpatay sa isang beauty queen na may involved na karelasyong pulis, pero nilinaw ni Direk Joel na hindi ito true-to-life story ng mismong beauty queen na pinatay.
Pinagbibidahan ng aktres na si Yuki Sonoda na gumaganap na Isabella Fuentes, ang Miss Global Beauty Philippines winner sa AAH, matatagpuan ang kanyang bangkay habang ang kanyang BF na pulis na si William dela Cruz na ginagampanan naman ni Tony Labrusca ay bigla na lang maglalaho.
Gaganap namang best friend dito ni Yuki si Kelley Day bilang si Olivia Rose na siyang iimbestigahan ng mga pulis sa mga nalalaman nito sa nangyari sa beauty queen.
Sa trailer ng All About Her na ipinakita sa grand mediacon, isa sa mga napansin naming tinalakay sa movie ay ang isyu ng prostitusyon. Kaya naman tinanong namin si Direk Joel kung naniniwala ba siyang nangyayari ito in real life sa mga beauty pageants kaya na-tackle rin nila sa movie.
Diretso at hindi naman nagkaila si Direk Joel na ang sagot ay, “Oo, nangyayari rin ‘yan,” at tinalakay nga rin daw ito sa All About Her.
When asked kung may na-encounter na ba siyang ganitong senaryo sa mga beauty pageants natin, pabirong sagot ng magaling na direktor, “Ako mismo naging prostitute,” kaya natawa pati ang cast ng movie.
Kidding aside, dugtong nito, “May mga nababasa ako, pero wala akong konkretong experience na nakita ko na nagpo-prostitute siya. Pero may mga nabasa ako at nalaman ko na merong… Kung ang ibig sabihin ng prostitute ay ibinebenta ang sarili para lang manalo, merong ganu’n. Pero hindi para maging habambuhay na trabaho. Merong gumagawa para lang ma-achieve ‘yung goal na gusto niyang ma-achieve. ‘Pag na-achieve na, ay, hindi ko alam kung nagpapabayad pa siya.”
Dagdag pang sabi ni Direk Joel, “Hindi lang naman sa contest ng mga babae, naku lalo na sa beauty contest ng mga lalaki. Maraming ganu’n.”
Hindi man daw ito lantarang pinag-uusapan, naging kalakaran na raw ito sa beauty pageantry.
Samantala, dahil nabanggit ni Yuki Sonoda na nag-join din siya sa beauty contest, natanong naman namin siya kung nakatanggap na rin ba siya ng mga indecent proposals.
Pag-amin niya, “Hindi po mawawala ang ganu’n. It depends on you how you respond to it.”
Nakatanggap man daw siya ng indecent proposal, dinedma at hindi na lang daw in-entertain ni Yuki. Tumanggi na rin siyang sabihin kung businessman ba o pulitiko ang nag-alok sa kanya at kung ano o magkano ang iniaalok kapalit ng gustong mangyari nito.
Anyway, maraming real-life scenarios sa beauty pageant ang ipapakita sa All About Her kaya pag-aanyaya ni Direk Joel at ng iba pang cast na kinabibilangan din nina Pancho Magno, Marco Gomez at Angelica Cervantes, at ng screenwriter na si Quinn Carillo, panoorin ito sa mga sinehan simula sa March 23 to 29 sa Gateway Cinemas (Cubao, QC), Eastwood Cinemas (Libis, QC), Uptown Cinemas (BGC, Taguig City), Venice Cineplex (McKinley Hill, Taguig City) at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo, Manila).
Ang All About Her ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carillo at supervising producer si Dennis Evangelista.
Biglang hinimatay sa stage habang kumakanta…
GIGI DE LANA, IBINULGAR NA ANG SAKIT SA PUSO
SA kanyang Facebook Live, inamin na ng singer na si Gigi de Lana ang dahilan kung bakit bigla siyang nag-collapse sa stage sa isang recent concert niya sa Samal Island ilang araw pa lang ang nakararaan.
Ayon kay Gigi, na-diagnose ng doktor na meron siyang “pericarditis” o pamamaga sa lining na nakapalibot sa kanyang puso.
Kaya minsan daw, meron siyang chest pain or bigla na lang inaatake tulad nga ng nangyari sa kanya sa concert.
Nakakatakot man daw ang kanyang kondisyon, sa ngayon ay mino-monitor na siya ng kanyang mga doktor at pinayuhan na ituloy lang ang normal na buhay pero bigyan ng time ang sarili na maka-recover sa kanyang kondisyon.
Naku, dapat ay maghinay-hinay na sa kanyang mga gigs itong si Gigi. ‘Wag sagarin ang katawan dahil mas mahalaga pa rin ang ating kalusugan.






Comments