Mansiyon nila ni Pauleen, mamanahin nina Tali at 2nd baby… P555 M YAMAN NI VIC, HINATI-HATI NA SA 4
- BULGAR
- Aug 2, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 2, 2023

Pasok sa “Top 20 Richest Actors/Actresses” si Bossing Vic Sotto na may total asset na P555 M, pero balitang hinati na nito ang kanyang yaman sa mga anak niya kay Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo Boy Sotto, pati na rin sa anak niya kay Coney Reyes na si Vico Sotto at sa anak niya kay Paula Luz na si Paulina.
Ang tanging naiwan na lang kay Vic ay ang marital property nila ni Pauleen Luna. At ito ang mamanahin ng mga anak nila ng misis, ang panganay nila na si Talitha Sotto at masusundan na nga ito.
Kumpirmado nang magiging big sister si Tali.
Well, kung totoo man na pinagparte-parte na ni Bossing Vic sa kanyang mga anak ang naipundar na yaman ay magandang desisyon naman ang ginawa niya.
Hindi na magkakainggitan at mag-aaway-away sa kanilang mamanahin ang mga anak ni Bossing Vic dahil pare-pareho ang matatanggap nila.





Comments