Mansion sa Bahrain, ‘di naman daw talaga sa kanila… IVANA SA MGA BASHERS: INGGIT LANG KAYO!
- BULGAR

- Jun 26
- 2 min read
Updated: Jun 27
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 26, 2025
Photo: Ivana Alawi - IG
Itinanggi ni Ivana Alawi ang tsikang inuupahan lang niya ang bahay sa Bahrain at hindi totoong pag-aari niya tulad ng kanyang claim.
Sa pinaka-latest vlog ng aktres/content creator kung saan ay sumalang siya sa lie detector test kasama ang inang si Mommy Fatima at kapatid na si Hash Alawi, isa sa mga naitanong sa kanya ay kung inuupahan lang niya sa Airbnb ang bahay sa Bahrain.
“No, that’s our house,” sagot ni Ivana.
‘Truth’ ang resulta ng lie-detector machine.
Litanya ng aktres, “Alam mo, hindi ako ganu’n kagaling gumawa ng kuwento, ng istorya na kung saan ako lumaki, ‘di ba? Ikinuwento ko talaga kung saan kami lumaki.”
Ipinaliwanag din niya kung bakit wala siyang larawan na naka-display sa nasabing mansion.
“Kaya naman wala talaga akong litrato du’n, ba’t ako maglalagay ng litrato, ‘di naman kami nakatira du’n?” katwiran niya.
“Lahat ng istorya na sinabi ko, du’n talaga kami lumaki,” dagdag pa niya.
Sinabi rin niya ang dahilan kung bakit nila ibinebenta ang bahay sa Bahrain na ipinamana ng kanyang pumanaw na Moroccan father.
“The reason why we’re selling it is because, 5 years after renovation, walang nakatira, nabubulok lang ‘yung bahay. And until now, may nag-o-open ng aircon twice a week. Ang hirap ng maintenance.
“And I don’t see myself living in Bahrain. Either Amerika ako or Pilipinas,” sey ni Ivana.
Dagdag naman ni Hash, hindi lang 5 years na walang nakatira sa bahay na ‘yun kundi 20 years na.
“Actually, hindi lang 5 years, walang nakatira d’yan for 20 years. Pero ipina-renovate lang 5 yrs. ago. Siguro, mga 15 yrs. ago, kinuha lahat ang gamit, nandito ang mga pictures natin and all,” paglilinaw ni Hash.
Sey naman ng youngest sister niya na si Mona, ang ini-issue raw ng mga bashers ay hindi mukhang homey ang bahay.
“Hindi s’ya homey kasi hindi naman talaga ako nakatira du’n after ng renovation. But it’s our home. It’s not my home, it’s my dad’s home. But yes, nandu’n pa ‘yung name ng tatay ko sa labas. Ano, ipinasemento ko ‘yung pangalan ng tatay ko sa labas?” tila imbiyernang sabi ni Ivana.
“Inggit lang kayo!” sey pa niya sa mga bashers.
SABAY-SABAY tinutukan sa YouTube (YT) ng mahigit kalahating milyon o 673,931 na manonood ang pamamaalam ng kontrabidang karakter ni McCoy de Leon sa maaksiyong engkuwentro ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) last Tuesday (Hunyo 24).
Tuluyan na ngang nagwakas ang buhay ng isa sa pinakakinamumuhiang karakter sa primetime TV na si David (McCoy) nang saksakin at barilin ito ni Miguelito (Jake Cuenca) matapos ang masalimuot na bakbakan.
Pero bago pa nito ay ang naunang matinding plot twist dahil pagkatapos ng ilang taon ng pagiging mortal na magkaaway nina David at Tanggol (Coco Martin), tuluyan nang humingi ng tawad si David sa kanyang kuya at nagsanib-puwersa ang dalawa sa isang madugong sagupaan laban kay Miguelito.
Sa kabila ng makapigil-hiningang bakbakan, napuno rin ng hinagpis ang naturang episode dahil sa pagluluksa ni Tanggol nang maabutan niya ang mga huling hininga ni David.
Sa pagtatapos ng kabanata ni David sa BQ, umani ng samu’t saring papuri si McCoy kung saan mahigit 2 taon niyang pinainit ang dugo ng mga manonood gabi-gabi para sa nakakagigil niyang pagganap bilang kontrabida.










Comments