top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Manoy, ipinasilip sa video… ‘HELLO BIRDIE’ NI JHONG SA BATHTUB, NAG-VIRAL ULI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2024
2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 16, 2024



Showbiz Photo

“Launched,” sey ng ilang netizens sa singing talent ni Jhong Hilario last Saturday sa opening number sa It’s Showtime.


Dahil Father’s Day special nga, nakasama ni Jhong sina Teddy Corpuz, Dingdong Avanzado at Marco Sison sa naturang number with Maestro Louie Ocampo.


Ang ikinaloka lang ng netizen ay nu’ng tawagin nga ni Jhong na ‘hot tub’ ang sarili after niyang lagyan ng label ang mga kasama bilang “hot dad and heartthrob.”


Agad namang naglabasan sa mga comments ang patungkol sa minsang nag-viral na picture ni Jhong na nasa bath tub kung saan sumilip o ipinasilip nito ang ipinagmamalaking ‘birdie.’


Nakakaloka! Ang bilis-bilis talaga ng mga nasa digital world, hahaha!

Anyway, Happy Father’s Day po sa ating lahat!



UY, grabe naman ‘yung nakasagutan ni Maine Mendoza hinggil sa naging pakiusap niya patungkol sa pagtatanggal ng face mask in public. 


Hindi lang nito minura at sinagut-sagot nang walang awa ang aktres/host, ito pa ang may ganang mang-block.


Pinag-usapan kasi ang pahayag ni Maine na sana raw ay maging ‘cautious’ ang mga nagre-request na magpa-picture sa mga celebs na ibaba ang face mask.


While we understand Maine’s concern on safety and health, gets din namin ‘yung request ng mga fans.


Nasa usapan lang siguro at pagrespeto ng pakiusap ang mga ganyan, though ang general rule talaga, dapat priority ang health more than anything else.


Saka hello, baka medyo sobrang nag-iingat lang si Maine dahil baka buntis na nga ito.


Mahirap nga namang ma-compromise pa.


Again, nasa tamang approach naman ‘yun. Kung sa palagay ninyo ay mukhang mahihirapan kayo sa mga celebs na may ganyang kondisyon, eh, di ‘wag na kayong magtangkang magpa-picture sa kanila, period.



NAUUNAWAAN namin ang himutok ni Ai Ai delas Alas hinggil sa reaksiyon niya sa balitang ipinapa-down ng taga-Star Cinema ang sinasabing ‘wish’ nitong magkaroon ng reunion project ang Ang Tanging Ina cast.


Ayon sa nakausap namin, talaga naman daw na hindi na taga-Star Cinema ang nakausap ni Ai Ai na si kaibigang Roxy Liquigan na head na nga ngayon ng ABS-CBN Music.


Baka umano sa usapang ‘friendship’ lang ang naging takbo ng kumustahan nina Ai Ai at Roxy, pero walang opisyal na Star Cinema concerns. Kaya naging ganu’n daw ang reaksiyon ng naturang film outfit dahil baka raw mag-send umano ng maling impression sa iba.


Pero para sa iba ay parang naging OA naman daw ang nasabing utos na i-down ang convo lalo’t totoo namang napakinabangan ng Star Cinema ang isang Ai Ai delas Alas.


Well, mukhang hindi naman nagpapaandar si Ai Ai na ginagawa ngang Divisoria-Cubao ang Manila-USA trips nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page