top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Manila Team, susubok muli sa FIBA 3X3 Neom Super Quest

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 4, 2022



Susubukan ng Manila Chooks na mag-uwi ng bagong karangalan para sa Pilipinas sa pagsabak sa 2022 FIBA 3x3 Neom Super Quest ngayong Biyernes sa Neom Beach Games Hub sa Gayal Peninsula, Saudi Arabia.


Titingnan kung uubra ang matangkad na kombinasyon nina Dennis Santos, Ken Sagulo Holmqvist, Dave Ando at Henry Iloka na lahat ay 6’5” pataas kontra sa mga higante ng Europa.


Unang haharapin ng mga Pinoy sa Grupo A ang Riga ng Latvia, ang kampeon ng nakalipas na FIBA 3x3 World Tour Cebu Masters noong nakaraang buwan, simula 8:45 ng gabi (oras sa Pilipinas). Pangunahan muli ang Riga ni Cebu MVP Nauris Miezis kasama sina Karlis Lasmanis, Edgars Crumins at Agnis Cavars na lahat ay nagwagi ng makasaysayang unang gintong medalya ng 3x3 sa 2020 Tokyo Olympics.


Matapos ang Riga ay susunod ang Warsaw Lotto ng Poland sa 10:50 ng gabi. Naglaro ang Warsaw sa Manila Masters noong Mayo at nagtapos ng pang-siyam at babalik sa koponan sina Lukasz Diduszko, Szymon Rduch at Przemyslaw Zamojski at si Mateusz Bierwagen na pinalitan si Pawel Pawlowksi.


Ang dalawang may pinakamataas na kartada sa grupo ay tutuloy sa knockout playoffs sa Sabado. Naghihintay ang $10,000 para sa kampeon at $5,000 para sa pangalawa at pareho silang bibigyan ng tiket patungo sa Hong Kong Masters sa Nobyembre 26 at 27.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page