top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Manila, sasabak sa FIBA 3X3 World Tour

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 29, 2021





Maghahatid saya ang Manila sa kanilang pagsabak ngayong araw laban sa mga higante sa 2021 FIBA3X3 World Tour Abu Dhabi Masters. Nasa United Arab Emirates na ang koponan at ganadong magpasikat sa inaasahang maraming kababayang OFW na pupunta sa Kaser Al Amwaj.


Nabunot ang mga Pinoy sa Grupo D at unang sasalang simula 10:20 p.m. kontra sa Liman ng Serbia. Magpapahinga sila ng saglit at babalik sa court ng 2:45 ng madaling araw ng Sabado para harapin ang Amsterdam ng Netherlands.


Binubuo ang Manila nina Mark Jayven Tallo, Zachary Huang, Chico Lanete at Mike Harry Nzeusseu na kagagaling sa kampeonato bilang HeiHei Manila sa Chooks to Go Pilipinas 3x3 Invitational noong Oktubre 20 sa San Fernando, Pampanga. Napilay ang kamay ni Nzeusseu sa torneo kaya isinama sa lakbay si Mark Yee bilang panigurado kung hindi ito hihilom sa takdang oras.


Bago magtungo ng Dubai, sinabi ni Coach Aldin Ayo na kinuha ang dating Lyceum Pirate upang tapatan ang mga matangkad ng kalaro, isang bagay na nagpadehado sa kanila sa mga naunang yugto ng World Tour sa Doha, Qatar noong Marso at Montreal, Canada noong Setyembre. Malaking bagay din na nasa kondisyon si Nzeusseu at naninirahan na sa Pilipinas.


Nasa 22nd place ang Manila sa standings ng World Tour na may 28 puntos. Tanging ang unang 12 matapos ang Mexico City Masters sa Nobyembre 6 ang tutuloy sa Grand Finals sa Dis.17 sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nakatakda din sumabak sa Slam Dunk Contest si numero unong Pinoy pro dunker David Carlos laban sa mga pambato ng Europa at Estados Unidos para sa gantimpalang $3,000 (P152,305). Ang paligsahan ay gaganapin sa Linggo simula 12:15 ng hating gabi bago ang laban para sa kampeonato at $40,000 o mahigit dalawang milyong piso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page