Manila Klasiko Dragon Boat silver sa 800M Nanchang Fest
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
by MC @Sports News | June 26, 2026

Photo: Ang Manila Klasiko Dragon Boat team nang maka-silver medal sa Nanchang Dragon Boat Festival sa China. (fbpix)
Sumungkit ng silver medal ang Manila Klasiko Dragon Boat team sa 800m International Club Group Dragon Boat small boat Category na idinaos sa Wuliangye Cup 2026 sa Nanchang International Dragon Boat Race sa China.
Ang dalawang araw na sagwanan nitong Hunyo 13-14 sa Nanchang ay ikaapat nang pandaigdigang karera na nilahukan ng grupo kung saan ang unang international race ng koponan ay sa Italya kung saan sumabak sila sa Club Crew World Championship at nakapasok sa semifinals.
Halos anim na buwang preparasyon ang ginawa ng koponan, apat na beses sa isang linggo at tig-2 oras ang kanilang training. Naging malaking challenge din sa grupo ang pinansiyal na kapasidad at mga iskedyul sa kani-kanilang trabaho.
Anila, "Lahat naman ay deserve makasama sa international races pero kulang sa pondo. Kaya kapag International Races mas maganda if invitational race para hindi gaanong mabigat ang gastusin. Kaya naman ginagawa lahat ng MANILA KLASIKO na mapahusay ang performance ng bawat miyembro sa sport na Dragon Boat para makakuha ng mga sponsors."
Nanguna para sa gold ang Malaysia Kuching DBT — 03'50"089, pumangatlo ang USA RunDe DBT — 04'09"931 at pang-apat ang Italian Stallion DBT — 04'10"934 sa karera.
"When we heard about Nanchang, we are excited, this is our first time, our expectation here in China are very high. We will do our best to get the no. 1. We are practicing more, because we are preparing for the next world championship, but this one is very great, " ayon sa panayam sa facebook kina head coach Rommel at team president Hepe bago ang karera.





Comments