top of page

Manila Chooks babalik sa 3X3 Pro League Netherlands

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | March 9, 2023




Mga laro ngayong Biyernes – Velodrome Amsterdam

2:55 AM Manila vs. Amstelveen

4:35 AM Utrecht vs. Manila



Magbabalik sa half-court ang bagong anyong Manila Chooks sa 3x3 Pro League Netherlands Winter Edition simula ngayong Biyernes ng madaling araw (Marso 10, oras sa Pilipinas) sa Velodrome Amsterdam. Sisikapin ng mga beteranong sina Mark Jayven Tallo, Brandon Ramirez at Dennis Santos at ang baguhang si Calvin Payawal na kunin ang unang hakbang patungo ng Paris 2024 Olympics.

Nabunot ang mga Pinoy sa Grupo D kasama ang Utrecht at Amstelveen ng host Netherlands. Kung papalarin at tutuloy sa quarterfinals sa Sabado, haharapin nila ang isa sa lulusot sa Grupo B na Warsaw Lotto ng Poland, Hannover ng Alemanya o Paramaribo ng Netherlands.


Ang iba pang kalahok ay top seed Amstersdam at Ijmuiden ng Netherlands at Brussels ng Belgium sa Grupo A habang binubuo ang Grupo C ng Dusseldorf ng Alemanya, Toronto ng Canada at Ashgabat ng Turkmenistan. Maglalaro ang mga koponan ng tatlong yugtong torneo at ang mga may pinakamataas na puntos ay tutuloy sa Grand Finals sa Marso 19 at 20.


May nakalaan na $60,000 na premyo at tiket sa isa sa mga yugto ng 2023 FIBA 3x3 World Tour Masters. Magsisimula ang World Tour sa Utsunomiya, Japan sa Abril 29 at susundan ng isang dosenang yugto kabilang ang pagdalaw sa Maynila (Mayo 20) at Cebu (Setyembre 23).


Kasalukuyang nasa ika-20 ang Pilipinas sa FIBA 3x3 World Ranking na may 1,024,039 puntos. Kailangan makalikom ng sapat na puntos upang mapabilang sa 24 bansa sa Olympic Qualifying Tournament at ito ay maaabot sa palaging paglahok sa mga malalaking torneo tulad ng sa Netherlands.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page