top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mangungurakot lang ang kandidatong bumibili ng boto, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 28, 2021



KANDIDATONG NAMIMILI NG BOTO, KAPAG NANALO AY MANGUNGURAKOT LANG PARA MAKABAWI—Isa sa maiinit na isyu ngayon ay ang vote-buying ng mga kurakot na pulitiko sa mga botante.


Panawagan natin sa mga botante, na kapag may pulitikong namili sa kanilang boto ay tanggapin ang pera, at ang iboto ay ang kursunada.


Tandaan na ang pulitikong namimili ng boto, walang gagawing matino sa tungkulin, ang aatupagin niyan ay mangurakot para mabawi ginastos niya sa pamimili ng boto, period!


◘◘◘


SA MANU-MANONG HALALAN NALALAMAN KUNG HINDI IBINOTO NG BAYARANG BOTANTE ANG PULITIKONG NAMILI NG BOTO, PERO SA AUTOMATION ELECTION, HINDI NA—Huwag mangamba ang mga bayarang botante na malalaman ng pulitiko kung siya ay ibinoto o hindi kasi sa automation election ay hindi na ito malalaman dahil per cluster na ang bilangan ng boto, hindi na per precinct.


Noon, sa manual election ay per precinct lang ang bilangan ng boto kaya nalalaman ng korup na pulitiko kung ibinoto siya o hindi ng mga bayarang botante.


Halimbawa, sa isang presinto ay 50 boto ang binili ng kurakot na pulitiko, at kung ang nakuha niyang boto ay higit 50, ibig sabihin ay ibinoto siya ng kanyang mga binayaran, at kung below 50 ang nakuha niyang boto, riyan na aalamin ng mga alipores ng pulitiko kung sino sa mga bayarang botante ang hindi tumupad sa usapan


Pero sa automation election, sa per cluster ay libu-libong boto ang inilalabas ng machine kaya hindi na alam ng puitiko kung ibinoto siya o hindi ng kanyang binayarang botante, boom!


◘◘◘


PULITIKONG MAY POLITICAL DYNASTY LANG ANG GUMIGINHAWA ANG BUHAY, PERO ANG MGA BOTANTE, AFTER ELECTION AY “NGANGA”—Sa darating na eleksiyon next year, sana ay maging matalino na ang mga botante sa pagpili ng iboboto at magkaisa nang ibasura ang mga pulitikong nagtataguyod ng political dynasty.


Dapat isipin ng mga botante na ang mga pulitikong nagtataguyod ng political dynasty ang gumiginhawa lang ang pamumuhay, pero ang mga botante, pagkatapos ng eleksiyon ay nganga, wala nang pakialam sa kanila ang mga magkakapamilyang pulitiko na ibinoto nila sa halalan, period!


◘◘◘


SA HALALANG 2022, IBASURA ANG MGA PULITIKONG MAY KASONG PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN—May mga korup na pulitiko na may kasong plunder at graft and corruption ang muling kakandidato sa halalang 2022.


Sana naman ay huwag na silang iboto ng mamamayan kasi sobrang engot na ‘yan, may kasong pandarambong na sa kaban ng bayan ang kandidato, tapos iboboto pa? Buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page