Mango shake pa lang, P450 na... DENNIS, SHOCKED SA BILL SA RESTO, NANAWAGAN SA DEPT. OF TOURISM
ni Nitz Miralles @Bida | December 21, 2022

Nanawagan si Dennis Padilla sa Department of Tourism na i-check ang restaurant na kinainan nila sa seaside. Nakakaloka naman talaga dahil pitong tao lang sila, pero ang bill nila, umabot sa P38,868. Ang mango shake, P450 at ang per kilo ng lobster ay P5,500.
Pakiusap ni Dennis, ‘wag nang ulitin ng resto sa ibang kakain, lalo na ang mga balikbayan.
Nakaka-frustrate raw, nahiya at nasaktan siya sa best friend niyang nagbayad ng kanilang kinain.
Ipinakita ni Dennis ang mango shake na nakalagay sa plastic glass. Sa resibo, walang breakdown ng presyo ng kanilang kinain, total bill lang ang nakasulat. Pati pangalan ng resto, ipinakita rin ni Dennis and by now, nakarating na siguro ang reklamo niya sa DOT.
Pati si Janno Gibbs, napa-comment ng “Grabe naman presyo!”
May mga nag-comment pa na na-hold-up sina Dennis lalo at sa menu na kanyang hawak, P190 lang ang mango shake, pero sa kanila ay P450 na.
May mga nagpasalamat sa ginawa ni Dennis for public awareness at may nanawagang i-boycott ang restaurant.
Sa nagsabing fine dining kasi sa seaside kaya mahal, sagot ng ilan, mahal pa rin daw ang bill nina Dennis. Saka, paano raw naging fine dining ‘yung resto, wala sa hitsura na pang-fine dining ‘yun.





Comments