Mangingisdang na-stranded, tinulungan ng Chinese Navy; PCG, may nilinaw
- BULGAR

- 55 minutes ago
- 1 min read
ni Info @News | December 26, 2025

Photo: Chinese Embassy Manila
Nagbigay ng humanitarian assistance ang Chinese Navy Ship 174 sa isang Pilipinong mangingisda matapos makaranas ng engine failure sa South China Sea nitong Huwebes, Disyembre 25.
Nag-abot ang mga ito ng pagkain at tubig sa mangingisdang tatlong araw na umanong na-stranded.
Kaugnay nito, matagumpay na na-rescue ng BRP Cape San Agustin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang mangingisda.
Bagama't kinikilala ng PCG ang umano’y pagtulong sa mangingisda, may ilang naging paglilinaw si PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa naturang insidente.
Ayon kay Tarriela, walang naging koordinasyon sa kanila ang People’s Liberation Army (PLA) Navy patungkol sa kondisyon ng mangingisda, at hindi totoong tatlong araw na itong stranded dahil kaagad din siyang nakita ng motherboat at ng PCG wala pang 24 oras nang umalis ito para pumalaot noong Disyembre 24.
Iginiit din nito na ilegal ang operasyon ng mga barko ng China sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
“We hope this incident is not exploited as propaganda by China. Instead, it should serve as recognition that Filipino fishermen have full rights to fish in the waters around Bajo de Masinloc,” ani Tarriela.








Comments