top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg
Search

by BRT @News | October 4, 2026



Gibo Teodoro kontra China - Courtesy- AFP _ Jam Sta Rosa - BRT

Photo: Gibo Teodoro kontra China - Courtesy- AFP _ Jam Sta Rosa



Nasa 150 Chinese volunteer at dispatched teachers na nagtuturo sa mga Chinese-language school sa Pilipinas ang inihahanda para umuwi sa China matapos mabahala ang kanilang mga pamilya sa kanilang kaligtasan.


Ayon sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), hiniling ng mga magulang ng mga guro ang kanilang pag-uwi at inaprubahan ito ng grupo at ng Chinese Embassy sa Manila.


Kabilang sa mga apektadong paaralan ang Immaculate Conception Academy sa San Juan at Jubilee Christian Academy sa Quezon City.


Sinabi ng FFCCCII na nabahala ang mga pamilya dahil sa mga ulat at komentaryo tungkol sa Chinese-language schools, kabilang ang mga isinulat ni Ray Powell ng SeaLight.


Kasunod ito ng mga pahayag ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. tungkol sa posibilidad na magamit ang ilang educational exchanges para sa pangangalap ng impormasyon. Gayunman, walang tinukoy na partikular na banta o insidente laban sa mga guro.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | February 10, 2026



West Philippine Sea - Jose Antonio Ka-Pep Goitia

Photo File: FB / Jose Antonio Ka-Pep Goitia



SA gitna ng mga pahayag na kumakalat online hinggil sa West Philippine Sea (WPS), pinaalalahanan ni Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia ang publiko na maging mapanuri sa mga naratibong nagpapahina sa tiwala ng bansa sa batas at sa sariling soberanya.


May mga pahayag sa social media, kabilang ang mula umano kay Sass Rogando Sasot, na kailangang suriing mabuti, lalo na kung ang epekto nito ay ang pagdududa sa mga karapatang matagal nang pinagtitibay ng batas internasyonal. 


“Kapag ang pagdududa na walang batayan ay tinatanggap bilang normal, ang pag-iingat ay nagiging anyo na ng pagsuko,” ani Goitia. 


Hindi aniya kailanman naging malabo ang paninindigan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Ito ay ipinagtatanggol bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa, hindi bilang lupain.


Sa ilalim ng UNCLOS, may ganap na karapatan ang Pilipinas na magpatupad ng batas, ipagtanggol ang likas-yaman, at panatilihin ang presensya nito sa loob ng EEZ. Ang mga karapatang ito ay malinaw umanong pinagtibay ng arbitral ruling noong 2016. 


Ang desisyon ng Pilipinas na tahakin ang landas ng arbitration ay hindi umano tanda ng kahinaan, kundi patunay ng disiplina at lakas ng paninindigan ng estado. 


Sa kabila ng ingay sa social media, nananatili umanong buo ang legal na posisyon ng Pilipinas. Wala umanong batas mula sa Kongreso at walang desisyon ng Korte Suprema na nagpawalambisa sa Presidential Decree No. 1596. Gayundin, walang pahayag sa arbitration na may kapangyarihang gawin ito.


Ang UNCLOS ay nakatuon sa mga karapatang pandagat, hindi sa pagbura ng mga pambansang batas.


 
 

ni Info @News | December 26, 2025



CCG rescued Fil fisherman - Chinese Embassy Manila

Photo: Chinese Embassy Manila



Nagbigay ng humanitarian assistance ang Chinese Navy Ship 174 sa isang Pilipinong mangingisda matapos makaranas ng engine failure sa South China Sea nitong Huwebes, Disyembre 25.


Nag-abot ang mga ito ng pagkain at tubig sa mangingisdang tatlong araw na umanong na-stranded.


Kaugnay nito, matagumpay na na-rescue ng BRP Cape San Agustin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naturang mangingisda.


Bagama't kinikilala ng PCG ang umano’y pagtulong sa mangingisda, may ilang naging paglilinaw si PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa naturang insidente.


Ayon kay Tarriela, walang naging koordinasyon sa kanila ang People’s Liberation Army (PLA) Navy patungkol sa kondisyon ng mangingisda, at hindi totoong tatlong araw na itong stranded dahil kaagad din siyang nakita ng motherboat at ng PCG wala pang 24 oras nang umalis ito para pumalaot noong Disyembre 24.


Iginiit din nito na ilegal ang operasyon ng mga barko ng China sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.


“We hope this incident is not exploited as propaganda by China. Instead, it should serve as recognition that Filipino fishermen have full rights to fish in the waters around Bajo de Masinloc,” ani Tarriela.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page