Mandaue Mayor Cortes, positive sa COVID-19
- BULGAR

- Jan 22, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 22, 2022

Ipinahayag ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes na muli siyang tinamaan ng COVID-19.
Si Cortes na nakararanas ng mild symptoms ng virus ay kasalukuyang naka-isolate, habang ayon sa alkalde, siya ay fully vaccinated na.
“I will continue to monitor the city even if I am isolating,” sabi ni Cortes.
Ito ang ikalawang beses na tinamaan ng COVID-19 ang alkalde, kung saan na-infect siya noong Abril 2021.
Samantala, mas pinaigting pa ng Mandaue City ang kanilang COVID response, gaya ng pagdaragdag ng maraming personnel para sa teleconsultation, pagkakaroon ng libreng RT-PCR tests para sa mga residente at manggagawa sa siyudad at pagsasagawa ng kanilang vaccination drives.
Sa ngayon, ang Mandaue City ay may 1,214 active cases, may 11,893 naman na nakarekober habang 445 ang namatay dahil sa COVID-19, ayon sa regional health office.








Comments