Mandatory evacuation ng mga Pinoy sa Israel, hindi pa ngayon — DFA
Updated: Nov 1, 2023
ni Jenny Rose Albason @News | October 10, 2023

Hindi pa umano kinokonsidera ang mandatory evacuation sa gitna ng malawakang pag-atake na inilunsad ng Palestinian militant group na Hamas sa Israel, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.
Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, dalawang Pilipino ang sugatan sa gitna ng pag-atake. Ang isa umano sa mga sugatang Pinoy ang naospital sa isang Health Liaison Office (HLO) habang ang isa naman, na na-suffote ay nananatili sa isang hotel sa Tel Aviv. Matatandaang noong Sabado, inilunsad ng Hamas ang pinakamalaking pag-atake sa Israel sa loob ng maraming taon, kung saan nagpaputok ng mga rocket at nag-deploy ng mga gunmen sa ilang bayan ng Israel.





Comments