ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 12, 2024
GUMAWA NG BATAS ANG MANDATO NG MGA CONG. AT HINDI KUMONTROL SA PERA NG BAYAN -- Ibinulgar ni Vice Pres. Sara Duterte na dalawang tao lang daw ang may kontrol sa pera ng bayan, at ito ay sina Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Rep. Elizaldo Co, House Chairman Committee on Appropriation.
Aba’y kung totoo ang ibinulgar ni VP Sara ay bad ‘yan, kasi ang mandato ng mga kongresista ay gumawa ng mga batas, at hindi kontrolin ang pera ng bayan, period!
XXX
MAY PANALO SA PAGKA-SENADOR SI RODANTE MARCOLETA KAPAG SINUPORTAHAN NI EX-P-DUTERTE -- Ipinagtanggol ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta si VP Sara sa mga atake sa kanya ng mga pro-Marcos congressmen.
Si Marcoleta ay balitang tatakbo sa pagka-senador, kapag siya ay nasama sa line-up ng PDP ni ex-P-Duterte, at kapag itinodo ng dating presidente ang kampanya at sa rami ng Duterte Diehard Supporters (DDS) ay maaaring mapabilang siya (Marcoleta) sa mananalo sa pagka-senador, abangan!
XXX
BAKA MAY KASO SA CHINA SI GUO HUA PING KAYA AYAW AMININ NI ALICE GUO NA ITO ANG TUNAY NIYANG NAME -- Sa pagdinig sa Senado ay ayaw aminin ni former Mayor Alice Guo na ang tunay niyang pangalan ay Guo Hua Ping na isang Chinese national.
Baka naman wanted sa China si Guo Hua Ping na alyas “Alice Guo”, kaya ayaw niyang aminin na iisang tao lang ang Alice Guo at Guo Hua Ping.
Ang dapat gawin ng Senado ay alamin sa gobyerno ng China kung may kaso si Guo Hua Ping at kapag nabatid na may kaso nga ay i-deport na ‘yan sa China, kasi sa bansang ito (China) ay may death penalty kaya kung mabigat ang kaso niya, malamang swak siya sa China sa parusang kamatayan, period!
XXX
‘PATRICK’ NA MAY RAKET NA MINI-CASINO AT ILLEGAL DRUGS SA LA TRINIDAD, BENGUET, DAPAT TOKHANGIN -- Ang puwesto ng mini-casino ni alyas “Patrick” sa La Trinidad, Benguet ay ginagawang front daw ng bentahan ng shabu at marijuana.
Dapat ipa-tokhang ni La Trinidad Mayor Romeo Salda si “Patrick” para matigil na ang raket nitong mini-casino at illegal drugs sa bayang ito, boom!
Comments