Manang-mana raw kay Kris… BIMBY, PASOK SA EB! BILANG HOST
- BULGAR

- Jun 19
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 19, 2026

Photo: Bimby Aquino - Eat Bulaga
Sa Eat… Bulaga! (EB!) ang showbiz launching ni Bimby Aquino at nasundan ang una niyang guesting noong birthday ni Ryzza Mae Dizon ng panibagong guesting.
This time, bilang host naman at para sa mga netizens, pasado siya. Nagmana raw si Bimb sa mom niyang si Kris Aquino na isang magaling na host.
Sa photos na ipinost ng TV5, bumati ito ng “Hello po, Dabarkads!”
Nanghinayang ang mga viewers ng EB! dahil wala sa show si Ryzza. Nasa Hong Kong ito at nagbabakasyon, pero today, magkikita na raw ang dalawa.
May mga nag-request na sana ay gawin nang mainstay ng show si Bimb at i-launch na ang MaeBy love team ng dalawa para tuluy-tuloy na ang kilig ng mga viewers. Mas masaya raw ang EB! kapag present si Bimb kasama si Ryzza.
Ilang fans ng AlDub (Alden Richard & Maine Mendoza ‘Yaya Dub’) ang nagpu-push kina Bimb at Ryzza Mae. Baka raw ang love team ng dalawa ang maging dagdag-pampasigla sa show. Sabi ng AlDub fans, nakaka-miss kiligin katulad noon.
Nakakatuwa si Bimb, hindi lang siya kumakanta at nagho-host, sumasayaw din. Nang i-introduce nga siya sa EB! kahapon, sumayaw siya sa saliw ng Hawak Ko ang Beat at pinagkaguluhan ng audience.
May pakiusap naman ang mga fans ni Bimb. Huwag daw muna siyang isabak sa Sugod Bahay sa barangay at baka mabigla. Ikondisyon daw muna ang katawan at isip nito bago isabak sa outdoor hosting. Sanayin muna siya sa iba’t ibang segments ng EB! sa studio at saka na ilabas kapag nakapag-adjust na ito.
Samantala, may balitang ang team ni Dingdong Dantes ang magma-manage sa showbiz career ni Bimb. Ang career daw nito ang isa sa mga dahilan ng meeting nina Kris at Dingdong a few months ago. Hindi pa matanong si Dong tungkol dito dahil nasa Quebec sila ni Marian Rivera para sa shooting ng movie nilang Remember.
Ibig sabihin nito, go na ang showbiz career ni Bimb at in fairness, pinaghandaan niya ito. Nag-voice lesson siya at for sure, may hosting lesson din siya mula sa kanyang mom at baka pati kay Boy Abunda.
So, let’s welcome Bimb! Siguradong marami siyang maio-offer at gusto ng mga fans ang new face with talents!
Lumang pictures, kumalat…
VICE, MUKHANG MATANDA NOON, MILLENNIAL NA NGAYON
Naglabasan ang old photos ni Vice Ganda online na kahit si Meme ay nagulat na may mga ganoong larawan pala siya. Napa-comment tuloy ito ng, “Hoy! Grabe kayo sa mga old pics ko! Nasaan ang pagmamahal n’yo sa akin? Waaaaahhhh!”
Ang mas aliw pa, may kasamang kuwento kung sino ang mga kasama ni Vice sa old photos at saan kuha ang mga ito. Pati noong Far Eastern University (FEU) days niya, may mga photos si Vice at makikita mong old photos talaga dahil iba pa ang makeup niya at ayos ng buhok.
Bumawi naman sa messages ang mga natawa sa old photos ni Vice.
Sey ng mga netizens…
“Gets. You used to look like tanders (matanda) back then. You look like a millennial now, chariz (joke).”
“We love you no matter who you are.”
“Love you, Meme.”
Hahaha!





Comments