top of page
Search
  • BULGAR

Manalo o matalo sa boksing, may pang-campaign fund si Pacman

ni Ka Ambo - @Bistado | July 29, 2021



Maulan pa rin.


Linsiyak!


◘◘◘


HINDI SONA ang mga headline sa mga newspaper.


Ang headline ay si Hidilyn Diaz at kanyang 1st Olympic Gold!


◘◘◘


KITANG-KITA ang panghihina ng tuhod ni P-Digong bago mag-SONA.


Normal lang ‘yan!


◘◘◘


UMIIKOT na si VP Leni.


Ikinokonsulta niya ang kanyang “pag-atras”!


◘◘◘


LUMALAKAS naman ang ugong na si ex-Sen. Bongbong Marcos ang ikakandidato ng mag-amang Duterte.


Sorpresa!


◘◘◘


NAKA-READY na rin ang kampo ni Mayor Isko sa presidential derby.


Secret lang!


◘◘◘


HANDA kaya si Mayor Inday na mag-vice-president na lang?


Maselang desisyon ‘yan!


◘◘◘


KONGKRETO ang maniobra nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.


Nakukumbinse pa sila ng “financers”!


◘◘◘


PINOY-TSEKWA raw ang back-up ng Lacson-Sotto Network.


LaSoN?


◘◘◘


DESIDIDO naman si Sen. Manny Pacquiao sa pagkandidato.


Manalo o matalo sa laban sa US, may campaign fund siya!


◘◘◘


TAMEME naman si ex-Speaker Alan Peter Cayetano.


Natatakot maungkat ang “mahiwagang kaldero” kapag umuwi si Hidilyn!


◘◘◘


WALANG linaw kung paano ipatutupad ng Comelec ang social distancing protocol sa araw ng eleksiyon sa Mayo 9, 2022.


Kapag walang social distancing, magiging India ang Pilipinas.


Eleksiyon ang sanhi ng delubyo!


◘◘◘


KAPAG ipinatupad ang social distancing sa closed-room tulad ng iskul, 20-30 percent lang ang puwedeng pumasok.


Aabot nang one-week ang eleksiyon imbes na one-day lang!


◘◘◘


MAHALAGANG makagawa ng special act upang maayos ang Election Day procedure nang hindi lalabag sa Konstitusyon.


Sa Kontitusyon kasi “Every second Monday of the month of May”!


◘◘◘


UMAANGAL ang mga mainstream media.


Sinapawan na raw sila ng social media entities bilang venue ng propaganda.


Nakikiramay tayo riyan!


◘◘◘


DAPAT mag-sorry ang Malacañang sa pag-red tag kay Hidilyn.


Plastic!


◘◘◘


PAANO kaya kung magtandem sina Pacquiao at Diaz sa pambobomba kay P-Digong?


Maghahalo ang balat sa tinalupan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page