top of page

Manager ng aktres, nagsalita na… PANGMAMANYAK NI CONG. SUNTAY KAY ANNE, KINONDENA NG VIVA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 6, 2026



Bong Suntay at Anne Curtis - Circulated - Instagram

Photo: Bong Suntay at Anne Curtis - Circulated - Instagram



Tinuligsa ng kampo ni Anne Curtis ang pulitikong naglabas ng malisyosong pahayag laban sa host ng It’s Showtime (IS).


Inilabas ng Viva Artists Agency (VAA), ang talent management na kinabibilangan ni Anne, ang kanilang reaksiyon sa sinasabi ng mga netizens at publiko na ‘manyak’ itong pulitiko at biktima si Anne.


“First, we thank the fans, fellow artists, and all netizens who have shared messages of support for Anne. It was inappropriate to use her good name just to drive a point that does not involve her as a private citizen or as a public personality,” panimula ng statement ng kampo ni Anne.


Ang tinutukoy sa statement ng VAA ay si Quezon City 4th District Representative Bong Suntay.


Sey pa ng VAA, “Regardless of the intent, purpose, or motivation, we denounce the repulsive comments that mentioned Anne. Such statements have no place in any forum, normalize misogyny, and serve to undo decades of progress in the empowerment of women everywhere. It is unfortunate that even in this day and age, there is still a need for this reminder. We urge everyone, especially our honorable public officials, to be more respectful and cognizant of their actions.”


Sa ngayon, wala pa ring reaksiyon si Anne, maging sa kanyang social media accounts, ukol sa kontrobersiyal na pahayag ni Cong. Suntay.


Hinihintay na rin ng madlang pipol ang pahayag ng mister ni Anne, si Erwan Heussaff, bilang depensa sa kanyang misis.


Ninanamnam marahil nina Anne at Erwan ang family bonding nila kasama ang kanilang unica hija na si Dahlia, na katatapos lang ng birthday.


Isang bonggang bakasyon at selebrasyon abroad sana ang ine-enjoy nila bilang birthday treat for Dahlia. Pero dahil sa tensiyon sa pagitan ng Amerika, Iran, at Israel, hindi sila nagkasama sa mismong araw ng birthday ni Dahlia.


Mabuti na lang at nagawan ng paraan ni Erwan na makalabas ng Dubai at makarating

sa katabing city nito, ang Muscat sa Oman.

Sa Oman nagkita si Anne Curtis at ang kanyang mag-ama at pansamantalang nag-stay doon. May airport na rin sa Muscat kaya posibleng bumibiyahe na sila paalis ng Oman. 

Safe travels para sa pamilya ni Anne Curtis.



NOONG Lunes, nakita at nakausap namin nang personal si Bulacan Governor Daniel Fernando sa kanyang opisina sa Kapitolyo ng Bulacan.


Inimbita ni Gov. Daniel ang grupo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pamumuno ng pangulo nito na si Fernan de Guzman.


Na-curious kaming sipatin ang mukha niya para personal naming makita kung totoo ang tsikang nasuntok siya o nabugbog daw.


To our surprise, still looking young and guwapo si Gov. Daniel. Wala kaming nakitang trace ng anumang pasa sa kanyang mukha, not even wrinkles. Except doon sa nakaumbok sa noo niya. Pero hindi raw iyon bukol na bunga ng malisyosong bintang na sinaktan siya.


“Lipoma tawag d’yan. Meron akong lipoma. Pero para sa akin, ‘yan ang aking third eye,” seryosong biro ni Governor Daniel.


During our tsikahan bago kami umuwi, nalaman namin na senior citizen na pala siya.

Banat na banat pa rin kasi ang kanyang mukha at dagdag-guwapo points pa ang kanyang Pinoy na Pinoy na skintone.


He will be turning 64 na pala this coming May 12. O, ‘di ba, shookt din kayo?

Ang tikas-tikas pa ring tingnan ni Governor Daniel. Diretso pa rin ang katawan niya kapag nakatayo, mabilis kumilos at maglakad. Bonus points na lang ‘yung suot niya na Hermes rubber shoes na malaking tulong sa comfortability ng kanyang mga paa at legs.


So, ayun nga! Nalaman namin na wala palang bisyo sa katawan si Gov. Daniel. Hindi raw siya umiinom ng alak at naninigarilyo. Kaya hindi siya mukhang matanda at bagsak ang katawan.


Siyempre, gusto pa rin niyang bumalik sa pag-arte. Panay ang usisa niya sa lagay

ng movie industry. Nalulungkot siya dahil feeling niya, hindi pa rin masyadong tinatangkilik ng mga manonood ang mga local movies sa mga sinehan.


Puring-puri naman niya ang kanyang vice-governor (VG) na si Alex Castro, mister ng Sexbomb member na si Sunshine Garcia. Since last term na niya as governor ng Bulacan, may mga sitsit na gusto siyang patakbuhin bilang congressman ng kanyang mga kababayan o hindi kaya ay vice-governor.

Isina-suggest ng iba na mag-tandem sila ni VG Alex na tatakbong governor sa 2028 election, habang si Governor Daniel naman ang vice-governor. Pero depende raw ‘yan sa pag-uusap nila ni VG Alex.


“Si Alex naman, ano, eh, nakakatindig naman s’ya mag-isa. Although, s’yempre, iba rin ‘yung nagtutulungan alang-alang sa mga kababayan namin,” sey ni Gov. Daniel.

Dagdag pa niya, “Masipag si Alex. Sabi ko nga sa kanya, pagbutihan n’ya, eh, and mabait s’ya. Mabait sa asawa, mabait kahit saan. Makikita mo na family man s’ya.


Wala s’yang bisyo at makikita mo talaga ‘yung dedikasyon n’ya sa paglilingkod.”

Samantala, naisipan naming kunan ng reaksiyon si Gov. Daniel sa opinyon ni Alvin Aragon na hindi magandang payagan ni VG Alex ang kanyang misis na si dating Sexbomb member Izzy Trazona na sumayaw sa concert na ang suot ay mga sexy outfits.


“‘Di naman ako madamot. Kung ‘yun ang hilig ng asawa mo, eh, di ibigay mo ‘yun. Eh, ‘di ba, ang babae at lalaki ngayon, nagtutulungan ‘yan, eh,” paglalatag ng opinyon ng gobernador ng Bulacan.


Pinagpipiyestahan daw kasi ng male audience ang kanilang misis habang sumasayaw sa stage.


“Depende ‘yun sa mga manonood. Kung ikaw ay magkakaroon ng malisya ru’n sa nagpe-perform, ikaw ang nagkakasala. Wala naman akong nakitang masagwa sa suot nila,” diin pa niya.


‘Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page