Manager ng aktres, nagsalita na… OGIE, ISA SA MGA NINONG SA KASAL NI AIKO
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 11, 2023

Itinanggi ng manager at kaibigan ni Aiko Melendez na si Ogie Diaz ang balitang ikinasal na ang aktres sa boyfriend nitong si Congressman Jay Khonghun.
Aniya sa kanyang latest vlog with Mama Loi and Mrena, wala itong katotohanan at hindi raw nagsisinungaling sa kanya si Aiko.
"Walang sinasabi sa akin si Aiko. Pero, kung magkakaroon man ng kaganapan na 'yun, hindi na ako dapat ma-shocked. Siyempre, Diyos ko, nasa edad na si Aiko," sey ni Ogie.
Dagdag pa nito, marrying type naman si Aiko, pero talagang hindi lang naging masuwerte sa pag-aasawa dahil nauwi nga rin sa hiwalayan ang dalawang nauna niyang pinakasalan na sina Jomari Yllana and Martin Jickain.
At kung ikakasal naman daw si Aiko ay hindi nito ililihim at proud niyang ibabahagi sa buong mundo.
In fact, may mga possible ninong and ninang na ngang kukunin ang aktres at kabilang na rito si Ogie.





Comments