Manager, nakipag-meeting na sa mga bossing… KONTRATA NI BEA, ‘DI PA INIRE-RENEW NG GMA-7
- BULGAR
- Apr 1
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 1, 2025
Nag-taping si Bea Alonzo para sa episode ng Magpakailanman ng GMA-7 na planong ipalabas sa nalalapit na Semana Santa o Holy Week.
Si Zig Dulay ang direktor ng episode. Siya rin ang direktor ng drama-crime-mystery-series ni Bea na Widows’ War (WW).
Speaking of WW, ipapalabas na rin pala sa Netflix ngayong Abril ang Kapuso hit drama series na pinagbidahan ni Bea, kaya abang-abang na lang tayo.
Samantala, may mga intrigang kumakalat sa showbiz na hindi na raw ire-renew ng GMA-7 ang kontrata ni Bea sa kanila after ng WW.
A reliable source told us na kaya hindi pa inire-renew ang contract ni Bea sa GMA-7 ay dahil ‘di pa naman ito expired, so bakit nga naman magkakaroon ng contract signing for renewal?
At ayon pa sa aming source, nakipag-meeting na raw ang manager ni Bea na si Shirley Kuan sa GMA-7 para sa bagong teleserye ng aktres.
Concept daw muna ng bagong teleserye ng aktres ang gagawin, then, ‘yung mga artistang makakasama ni Bea. Bongga sana kung with Marian Rivera naman na women empowerment ang tema.
Bago ang teleserye, gagawin muna ni Bea ang movie niya under Direk Erik Matti na ipapalabas naman sa HBO.
Ang bongga ni Bea, ha? Mapapanood na sa Netflix, may HBO movie pa.
Hopefully, may mga international producers na maka-notice kay Bea sa mga streaming platforms na nabanggit para magkaroon siya ng legit na foreign movie from a prestigious film studio.
With regards to Bea’s love life, mukhang happy naman ang Kapuso actress. For sure, marami ang umaali-aligid na suitors ni Bea ngayon, ‘di lang mga artista kundi pati rich businessmen.
ELEVATED ang businesswoman-turned movie producer na si Ms. Cecille Bravo for this year’s Philippine Faces of Success na ginanap ang awarding ceremony last Saturday.
Pinarangalan si Tita Cecille as Lifetime Achievement awardee sa larangan ng business. Ilang beses na rin kasi siyang binigyan ng karangalan ng Philippine Faces of Success.
Pahayag ni Tita Cecille, “I’m so elated, grateful and thankful. And, this will inspire me more to do more sharing, giving. Kasi ayaw kong sabihin, ‘Ah, tumutulong lang tayo dahil may kapalit.’ Pero tutulong tayo kahit walang kapalit. Sabi nga, limitless.”
Para kay Tita Cecille, napakaimportante ng mga ganitong parangal.
“Kasi ito, nagpe-pave rin ng way para mas makita ko kung sino pa ba ang dapat tulungan.
Nakikita ko rin ‘yung ibang katulad ko na nabibigyan ng award.
“Alam n’yo ba na ina-admire ko rin sila? Iniidolo ko rin sila. At ‘yung iba d’yan, iniidolo ko na. Na ngayon, ang sarap ng feeling na makakasabay ko sila because ‘yun na nga, eh, nagawa nila ‘yung gusto nilang gawin, ‘yung mang-inspire and I’m very thankful,” paliwanag ni Tita Cecille.
Inaabangan na rin ang susunod na movie project na gagawin ni Tita Cecille after ng Co-Love niya sa Puregold’s CinePanalo.
Ayon kay Tita Cecille, “May mga brewing pa pero in the works pa and under negotiations. I’m just trying this kasi bago sa akin ‘to. So, titingnan natin.
“Dahil sa totoo, ang hirap din palang mag-produce. Costly na, tapos totoo talaga, hindi naman kumikita, ‘di ba? Even ‘yung movies, magagaling ang plot, ang actors and everything.
Lalo nga kasi ngayon, maraming puwede na lang panoorin kung saan-saan. Hindi na nanonood sa talagang tipikal na sinehan. So, minsan, nag-iisip din ako. Pero we will see. Why not?”
Nagkaroon din ng special role si Tita Cecille sa Co-Love, kaya na-curious kami na malaman kung may kasunod pa siyang movie o TV project.
Aniya, “Actually, (sa) totoo, may nag-o-offer. Tapos, may nagsasabi pa sa ‘kin, ‘Sige na, i-try mo pa. Dugtungan mo pa.’ So, I’m considering it dahil it seems ‘pag natuloy ito, mukhang mother ang role ko, mother na mahirap.”
Challenging daw ang role para sa kanya but not pagganap bilang mahirap. Inamin ni Tita Cecille na pinagdaanan din niya sa buhay ang pagiging mahirap.
Paglalahad niya, “Kaya siguro maganda ring marating mo kung ano o nasaan ka ngayon. Kasi sabi ko nga, ang success, hindi mame-measure ‘yan sa kung ano’ng meron ka. Ang success n’yan, kung happy ka ba sa kung ano’ng narating mo. At doon ba sa narating mo, may natuklasan ka ba? Wala kang nasagasaan? Wala kang naapi?”
Agree. Congratulations again, Tita Cecille!
Comentários