top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Manager na si Ogie, nagsalita na… LIZA, DAWIT SA PAGMA-MARITES NI XIAN GAZA KINA DANIEL AT BARBIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 10, 2022




Nadamay si Ogie Diaz sa isyung Barbie Imperial at Daniel Padilla dahil ang kumpare ng talent manager-cum vlogger na si Xian Gaza ay nag-post na ano ang ginagawa ng GF ni Diego Loyzaga sa likod ni Karla Estrada?


Sa kanyang YouTube channel ay naikuwento ni Ogie na nag-post ang kumpare niyang si Xian ng, “Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo.”


Ayon kay Ogie, “So, parang nagko-conclude ‘yung iba na parang may gustong ipahiwatig si Xian Gaza na parang si DJ ay may lihim na pagtangi kay Barbie, na ‘yung iba naman, lalo na ‘yung solid KathNiel na alam nilang talagang solid ‘yung Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi mo siya matitibag.”


At kaya nag-react si Ogie ay dahil nabanggit ang pangalan nila ng alagang si Liza Soberano.


“Na-mention niya na mataas ang respeto sa kanya ni Liza na chairman pa ang tawag sa kanya (ni Liza), tapos inaanak niya ‘yung bunso ko. Para po sa kalinawan ng lahat, wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa anuman pong ipino-post ni Xian.


“Sinabihan ko po si Xian na, ‘Pare, tigilan mo muna ang pagiging Marites (tsismoso) lalo na kung wala namang sapat na pruweba, ‘di ba?


“Sinabihan ko siya na, ‘Huwag mo na kaming i-mention ni Liza kasi nadadamay kami, na baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post mo!” paglilinaw ni Ogie sa kanyang vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.


Nagkakilala raw sina Liza at Xian dahil kay Ogie, “Ganu’n lang at wala silang communication at all. Hindi sila nagtatawagan, walang ganu’n.”


At dahil nagkaroon ng kaso noon si Xian bilang scammer kaya natanong si Ogie ng netizens kung bakit siya nagtitiwala rito.


“Una, ako’y nagtiwala ng pera kay Xian na ibinalik naman sa akin. Pero sinasabihan ko siya, hindi po ako nagkulang (paalala), na ‘Dire-diretso mo na ang buhay mo kung gusto mo na talagang magbago.’


“Habang may buhay, habang may hininga, may pag-asa. Katulad nitong isyu na ito na nadamay kami ni Liza na wala po kaming kinalaman diyan,” sambit pa ng manager ng aktres.


Nabanggit pa na kapag diretso ang buhay ni Xian, na ibig sabihin ay okay na at matino na, ay kasama niya si Ogie, pero kapag bumabaluktot pa rin ay solo lang ito ng binansagang ‘Marites ng social media’.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page