Mana raw kay Cesar na chickboy… KAMPO NI BARBIE KAY DIEGO: MAKARMA KA SANA!
ni Nitz Miralles - @Bida |February 06, 2022

Disable ang comment box ng Instagram ni Diego Loyzaga simula nang kumpirmahin ni Barbie Imperial ang kanilang breakup.
A few days ago, open pa ang comment box ng IG ni Diego at doon nagko-comment ang mga netizens tungkol sa breakup nila ni Barbie.
Parang unfair ang comment ng iba na nagmana si Diego sa ama niyang si Cesar Montano sa pagiging chickboy. May galit na galit at gustong manakit na nag-comment ng “I hate you for hurting @msbarbieimperial!!! Akala ko iba ka!!! I hope karma will hit you.”
May nag-comment namang iba ang aura ni Diego, maaliwalas, na para bang pinalalabas na ang breakup nila ni Barbie ang rason ng maaliwalas niyang aura.
Unfair naman kay Barbie na agad inili-link sa dalawang guys after ng breakup nila ni Diego at dahil premature pa at napanood namin ang sinabi ni Barbie na mamahalin muna niya ang kanyang sarili, hindi na namin binanggit ang two guys na inili-link sa kanya.
Hindi rin naman nagmumukmok sa bahay si Barbie. May nakita kaming picture niya kasama sa dinner si Nadine Lustre at ang boyfriend nitong si Christophe Bariou at ilang kaibigan nila.





Comments