Mama Bob ni Angeline, pumanaw na
- BULGAR
- Nov 7, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 7, 2020

Pumanaw na si Sylvia Quinto o mas kilala sa tawag na Mama Bob, ang itinuturing na ina ng singer-actress na si Angeline Quinto matapos ang dalawang buwan nitong pananatili sa ospital.
Sa IG post ni Angeline ngayong Sabado, kinumpirma niya ang pagkamatay ni Mama Bob at nag-share ng kanyang photo habang niyayakap ang ina na nakahiga sa hospital bed.
"Mag-iingat ka sa paglalakbay Mama," post ni Angeline. "Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandiyan ang Panginoon para umalalay sa ‘yo."
Sabi pa ni Angeline, "Hinding-hindi ako mapapagod sa pagpapasalamat sa ‘yo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB."
Sa hiwalay na post ng singer, nag-share siya ng isang quote, "If I had one wish, it would be to hear my Mom say my name again."
Una rito, dalawang araw nang nakalipas, nag-post si Angeline ng kanyang photo kasama ang ina na may caption na "My Forever Love. Konting laban pa Mama Bob Ko."
Gayunman, walang binanggit si Angeline na dahilan ng pagpanaw ni Mama Bob.
Comments