top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maluha-luha sa sakit… ALBIE, SISING-SISI NA 'DI NAG-SHAVE BAGO NAG-PLASTER SA TIKIMAN SCENE

BULGAR
Mar 12, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 12, 2022



Ang aktor na si Albie Casiño na may wholesome image ay sumabak na rin sa sexy movie kasama sina Christine Bermas at Kit Thompson mula sa direksiyon ni Joel Lamangan, ang Moonlight Butterfly na mapapanood sa Vivamax sa Marso 18.


Maraming love scenes sa pelikula at kinailangang magpakita ng skin ang mga bida dahil ayaw ni Direk Joel nang may saplot.


Inamin ni Albie bilang baguhan sa mga ganitong eksena na konserbatibo siya kaya nahirapan talagang gawin ang paglalagay at pagtatanggal ng plaster sa private part niya.

“Definitely, ‘yung plaster ang pinakamahirap talaga sa lahat, especially taking it off (and) putting on. First time ko kasing magsuot ng plaster, so, doon talaga ako nahirapan, masakit tanggalin,” kuwento ng aktor.


Sundot na tanong kay Albie, shaved o trimmed ba siya? Kasi kung totally walang buhok ay hindi raw masakit tanggalin ang plaster, kumpara sa hindi shaved dahil tiyak na may sasamang hair.


“'Yun na nga, masakit!” diin ng aktor.


Dagdag pa, "Masakit po, sobra, maluha-luha ako. Next time po, ganu’n na nga gagawin ko (mag-shave), at least, 'di ba, you live and you learned, nagkamali ako, next time, shaved na.”

Ano ang mas mahirap, ang paglalagay ng plaster o kontrolin ang l*bog na nararamdaman during love scenes?


“Sa l*bog. I don’t know, bilang artista, feeling ko, especially kung intimate ‘yung scenes, kailangan mo ‘yung l*bog, eh. I guess it’s part of it, 'di ba?


“Hindi naman kami nagkukunwari rito like we’re doing scenes, we put in a situation na talagang ginagawa namin ‘yan, so, ginagamit ko na lang ‘yung l*bog sa eksena,” pagtatapat ni Albie.


Hindi raw kasi napaghandaan ng aktor ang eksenang maglalagay siya ng plaster.

Anyway, gagampanan ni Albie ang karakter na Roy na pinag-aaral ng girlfriend niyang si Christine Bermas bilang si Eunice na GRO at nagkahiwalay din sila dahil mas pinili ng dalaga ang Amerikanong customer na si Kit Thompson as Elliot na ibinahay siya at sustentado ang pamilya.


Abangan ang Moonlight Butterfly sa Marso 18 sa Vivamax produced ng Viva Films.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page