top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Malls, gagamitin sa distribusyon ng mga car plate

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | August 11, 2023


Upang matiyak na mabilis na makakarating sa mga motorista ang kanilang mga unclaimed car plates, plano ng Land Transportation Office (LTO) na gamitin ang mga malls bilang distribution areas sa pamamahagi ng mga ito.


Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, tinitingnan nila ngayon ang distribution system, habang kinakausap na rin ang mga dealer, at mga malls na puwede maging point of distribution na hindi naman kinakailangan ang sariling district offices. Pagkatapos aniya nito, sisimulan din nila ang appointment system upang ang mga taong gustong kumuha ng plaka ay kailangang magpa-appointment pagdating na roon.


Pahayag ni Mendoza na ang hakbanging ito ay bahagi ng kampanya ng LTO para maresolbahan ang backlogs sa mga unclaimed car plates.


Binanggit naman ng LTO chief na nakatanggap siya ng impormasyon na may ilang indibidwal na naniningil ng P200 sa drayber kapalit ng hindi na pagpila upang makuha lamang agad ang kanilang plaka.


Gayunman, ayon sa opisyal mas prayoridad nila ang online sa karamihan ng mga transakyon sa LTO para mas mabilis ang kanilang pagseserbisyo sa mga motorista.


Mainam ang balak na ito ng LTO sa pamamahagi ng unclaimed car plates.


Bukod kasi sa kanilang online, ang gagawing distribution areas ang mga malls ay malaking pakinabang sa marami.


Mapapabilis din ang kanilang serbisyo sa publiko at hindi na mag-aaksaya pa ng oras ang mga motorista upang magpunta lamang sa kagawaran.


Mag-isip pa sana ng mga paraan at programa ang kinauukulan na makatutulong para makagaan sa alalahanin ng taumbayan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page