top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MALLARI NI PIOLO, GUSTONG MAPANOOD NG MGA KALABAN SA MMFF

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 6, 2023




Ang suwerte naman ni Piolo Pascual dahil ang mga kalaban niya sa MMFF 2023 tulad nina Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ng When I Met You, Megastar Sharon Cuneta at Alden Richards ng Family of Two (A Mother and Son Story), Eugene Domingo at Pokwang ng Becky and Badette, at Enchong Dee ng Gomburza, pare-parehong sinabi na bukod sa kani-kanilang pelikula, gusto rin nilang unang mapanood sa filmfest sa Dec. 25 ang Mallari na mula sa Mentorque Productions.


No doubt na maingay ang movie ni Piolo sa social media lalo na sa mga kabataan dahil bukod sa horror ito, umiikot din ang story sa serial killing ng isang pari, na very unusual nga naman kaya marami ang interesadong panoorin ito.


But would you believe na 4 yrs. in the making pala ang movie dahil matagal nang na-conceptualize ito pero dahil tatlong henerasyon ang tatakbuhan ng kuwento, madugo ang research at kung paano bubuoin at ipe-present nang maganda ang istorya kaya tumagal nang tumagal.


Mabuti na lang at mahaba ang pisi ng producer na si Mr. Bryan Diamante kaya heto, finally ay nabuo na rin ang Mallari na bongga rin ang promo kaya ang dami nang curious na mapanood ito.


Ito rin ang pelikulang hindi na kailangan ni Piolo Pascual ng ka-love team dahil hindi naman pangkilig ang movie. Acting ang aabangan dito kay Piolo lalo’t tatlong characters ang kanyang gagampanan.


Pero malaking tulong din si Janella Salvador na sanay na sanay na sa horror films, kaya for sure, malaki rin ang contribution niya sa Mallari.


Kaya ‘wag na tayong magulat na kung ‘di man mag-top grosser ang Mallari ay nasa Top 3 ito sa MMFF 2023.


Mula ito sa direksiyon ni Derick Cabrido.


Aminadong ‘di perfect ang relasyon…

DINGDONG, GUSTONG MAGING BEST PARTNER KAY MARIAN


Aminado si Dingdong Dantes na sa 9 years na pagsasama nila ni Marian Rivera bilang mag-asawa ay hindi perfect ang kanilang pagsasama. Of course, like any other ordinary couples, nagkakaroon din sila ng mga pagtatalo.


Kaya naman nang matanong ang mag-asawa sa mediacon ng Rewind movie entry naman nila sa MMFF 2023 kung anong sikreto at matibay pa rin ang kanilang marriage, pareho ang sagot ng mag-asawa na bukod sa love at respect, importante ‘yung pareho sila ng faith.


Si God daw ang nasa center ng kanilang relasyon para ‘di sila mawala sa right track.


Pero nabanggit din ni Dingdong na kung may gusto siyang i-rewind o balikan sa buhay niya na nagawa niyang maling desisyon, ‘yun ay ang maging best partner ni Marian.


Hindi na nag-elaborate si Dingdong kung anuman ang mga naging pagkukulang niya sa asawa, pero ang mahalaga nga, kita pa rin naman sa mga mata nila ang kilig kapag nagtutuksuhan sila.



Well, ang istorya naman ng Rewind ay para sa mga mag-asawa at pamilya na nasisira dahil sa pagiging sobrang busy sa ibang bagay na hindi na nabibigyan ng priority ang pamilya lalo’t life is short.


Trailer pa lang din ng Rewind ay nakakaiyak na, kaya for sure, marami rin ang magiging emosyonal kapag pinanood ang movie sa Dec. 25 na mula sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar at produced ng Star Cinema, Agosto Dos Films at APT Entertainment.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page