Malinis daw ang kunsensiya 'di tulad ng ex-BF… BEA, HAHARAPIN SI GERALD KAPAG NAKASALUBONG
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 13, 2022

Inamin ni Bea Alonzo na nasa proseso pa rin siya ng pagpapatawad sa ginawa sa kanya ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.
“I think it’s a process, eh,” aniya sa panayam sa kanya sa Updated with Nelson Canlas podcast. “I can tell you para lang magmukhang mabuti at para maging maganda lang ‘yung pangalan ko, I can tell you, ‘You know what, okay na ‘ko. I’m happy, I don’t care, blah-blah- blah,' but that’s not the truth, eh. It’s a process.
"But what I’m doing now is that I’m getting rid of all my baggage. Kasi it’s not helping me, so if ever I’m doing that slowly, it’s for myself, it’s not for other people.
“So, right now, if you see me, I’m lighter, because mas wala na akong bagahe and I’m proud of myself that I was able to do that.”
Aminado naman siya na nakapag-move on na, pero siyempre, nag-iwan daw ito ng marka sa kanya.
“Yes of course, I’ve gotten over it. But ‘yung ano lang, that leaves a mark, eh. Hindi dahil sa nangyari per se but the way you look at yourself, eh. It becomes different, eh. You were broken, so you’re still putting back all the pieces together.
“And now, I was able to put all the pieces back together. Siguro, may kakaibang pieces na I will never be the same person again after that,” aniya.
When asked kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling makasalubong or makita niya si Gerald nang hindi sinasadya, ayon sa aktres ay kaya niya itong harapin nang taas-noo.
“I will just hold my head up high kasi ako ‘yung walang ginawang masama. I’ll just. . .you know, walk straight, I guess. Kasi, hindi ikaw ‘yung maiilang kasi ikaw ‘yung walang bagahe sa kunsensiya,” sey ni Bea.





Comments