Mali ang akala ni P-Digong na ‘angel’ ang mga taga-Davao
- BULGAR

- Dec 24, 2020
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | December 24, 2020
Unti-unti nang nawawasak ang reputasyon ng PNP.
Nabalewala ang unang apat na taong magandang imahe ng pulisya!
◘◘◘
Hindi kasi natin maintidihan ang kukote ni P-Digong.
Ipinagpipilitan niyang isupalpal ang Davao factor sa pulisya.
Kahit marami ang nagsasabing nakasisira na ito ng kanyang imahe!
◘◘◘
Akala ni P-Digong ay “anghel” ang mga taga-Davao.
Hay, sana’y maumpog siya sa pader para matauhan bago mahuli ang lahat!
◘◘◘
Ang ipinundar niya sa nagdaang mga taon ay sisirain din mismo ng Davao factor.
Lumalakas ang loob ng mg iskalawag dahil maaaring “mayroon din siyang Davao factor”.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
Sa 2022 election, katatakutan na ang Davao factor.
Magagasgas na ito at mabubusalsal.
Sayang, talaga!
◘◘◘
May ilang buwan para maiayos ni P-Digong ang sarili at ang kanyang administrasyon.
Sa pagtatalumpati pa lamang ay bokya na si P-Digong, walang laman ang kanyang presidential speech kundi “wento-wento” na lang.
Paano makaiiskor si Mayor Sara?
◘◘◘
May paniniwala tayong hindi kakasa si Mayor Sara.
Ibig sabihin, lumalaki ang tsansa nina Sen. Manny Pacquiao, Sen. Bong Go at ex-Sen. Bongbong Marcos.
Bahala na ang Liberal Party kung sino ang itatapat nila!
◘◘◘
Kailangan ni P-Digong ay malawakang balasa at ihanda na niya ang Malacañang sa “full year 2021”—ang kasunod na mga buwan—at aktuwal na siyang “lameduck president”.
Ang mahalaga ay nakatapos siya ng kanyang termino!
◘◘◘
Kapag nawalan ng poder si P-Digong, kaawa-awa ang aabutin ng kanyang mga ayudanteng maiiwanan niya.
Ang mga ayudanteng ito ang reresbakan ng kanyang mga kalaban sa pulitika!
◘◘◘
Si P-Digong ay hindi makararanas ng resbak.
Maaaring magpahinga na lang muna siya at magpalakas ng katawan.
Ang problema, baka manghina ang kanyang kalusugan kapag namaalam sa Malacañang!
◘◘◘
Nag-mutate ang COVID sa Europe.
Maaaring hindi tumalab dito ang bagong COVID vaccine!
◘◘◘
Dapat daw ipagbawal ang pagpasok ng mga taga-Europe.
Tenggga-tengga muna uli ang desisyon—parang aktuwal nilang hinihintay na mahawa ang ‘Pinas sa bagong strain bago magdesisyon ng radikal.
He-he-he!





Comments