top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg

Malaysian, arestado... 50 Star Tortoises, naharang sa NAIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | June 14, 2026



50 tortoise - PNP-AVSEGROUP

Photo: PNP-AVSEGROUP



Kalaboso ang pasaherong Malaysian national nang dumating sa bansa makaraang matuklasan ng mga awtoridad na may dalang 50 piraso ng buhay na Indian Star Tortoises sa loob ng kanyang bagahe noong Biyernes ng gabi sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City.


Nabuko ang laman ng maleta ng mga elemento ng Bureau of Customs nang sumailalim sa X-ray machine ang bagahe ng dayuhan sa Arrival Customs X-Ray Area, kaya isinagawa ang pagsusuri sa BOC Inspection Room kung saan nabuko ang kanyang dalang mga buhay na pagong.


Dahil dito, agad nagbigay ng seguridad sa paligid ang mga tauhan ng PNP Aviation Security Group at NAIA Police Station 1, bago ipinaalam  sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nadiskubre upang tumulong sa imbestigasyon.


Sinabi ni AVSEGROUP Director P/Brig.Gen. Dionisio Batolome, Jr., hinuli nila ang banyaga nang walang maipakitang kaukulang permiso para sa pagdadala ng mga wildlife specimen nang dumating sa bansa sakay ng eroplanong galing sa Bangkok, Thailand.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page