top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Malaswa raw, 'di makapagpigil... VICE AT ION, 'DI DAPAT PAGSAMAHIN SA IT'S SHOWTIME

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2023
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 2, 2023



Ikinumpara ng mga netizens ang ginawa nina Vice Ganda at Iron Perez sa It’s Showtime noong Hulyo 25 sa ginawa naman ni dating Senate President Tito Sotto nang halikan niya ang asawang si Helen Gamboa-Sotto sa programang E.A.T. nitong Sabado, Hulyo 29.


Dinilaan ni Vice ang daliri ni Ion na may icing ng cake na talagang inalmahan ng mga netizens dahil sa harap pa raw ng mga bata ito ginawa. Ang nasabing senaryo ay sa segment ng Isip Bata ng programang It’s Showtime.


Ipinatawag ang mga bossing ng It'sShowtime sa opisina ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio tungkol dito dahil nagpakita ng indecent acts sina Vice at Ion at lumabag sila sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986.


Ayon sa mga netizens ay bakit ang mga bossing lang ng IS ang ipinatawag ni Chair Lala at bakit hindi kasama ang mga magulang niya na may ginawa rin sa national television?


Humingi kami ng reaksiyon kay MTRCB Chair Lala sa pamamagitan ng publicist niyang si Pilar Mateo tungkol sa ipinakitang halikan nina Tito Sen at Ms. Helen sa E.A.T..


Ayon sa hepe ng ahensiya ng gobyerno, “Hello, Tita (Pilar) naman, 44 yrs. na sila ganyan sa Eat… Bulaga!, never naman nagka-issue.”


Binasa namin ang komento ng mga netizens sa Facebook account ng MTRCB na may mga nagsabing pareho lang daw ang grounds ng It’s Showtime hosts at E.A.T. host at may mga nagsabing depende raw iyon sa intindi ng mga nakapanood kung lalagyan ng malisya o hindi ang ginawa nina Vice at Ion.


May nag-post ng video na hinalikan ni Tito Sen si Ms. Helen sa may labi at leeg pero nakatalikod sila sa kamera at tanong ni @John Carlo Pacala, “Ito hindi malaswa?”


Sinagot ni @Ella Alamares, “@John Carlo Pacala. Love wins, and Tito Sen is living proof of that! Huwag masyadong mag-jump to conclusions. Hehehe.”


Sumagot ulit si @John Carlo Pacala, “Kapag tatay, ok lang magmukbangan sa TV?”


Katwiran ni @Ella Alamares, “@John Carlo Pacala. You got it all wrong! Tito Sen's love for Ma'am Helen is genuine and unwavering!”


Sabi ni @Jose Angelo Cagayat, “Lahat naman po ng gawain, open for interpretation kasi may kani-kanya tayong pag-iisip at pang-unawa, pero kumain lang po ng icing 'yung mga hosts.


Ginagawa naman po siguro ng karamihan 'yun.”


Diin ni @Aki Hiro, “Sana, walang mangyaring pakiusapan o bayaran.. Ipalasap ang batas nang tama kahit sinuman sila sa industriya dahil ang batas, walang kinikilingan gaano man kataas ang iyong pagkatao. Kapag nagkamali ay kailangang parusahan, hindi sapat ang paumanhin at paghingi ng kapatawaran sa publiko dahil matagal nang gumagawa ng kababuyan, ngayon lang nagkaroon ng tamang pagkakataon na may complainant.”


Tanong kay Chair Lala mula sa isang user, “How about ‘yung incident naman sana ng tatay mo at nanay mo noong July 29, 2023 sa TV5? Tanghaling tapat, naggaganyanan sila sa national TV.


Pabor si @Karen Ang sa pagpapatawag sa IS bosses ng MTRCB, “Be honest po, talaga namang ‘di maganda 'yung ginawa nina Vice sa national television at sa segment pa talaga ng mga bata.


Kahit ano pang sabihin, na porke nasa malisyosong pag-iisip lang daw. Wow, ha! Tingin n’yo ba talaga, wholesome ang ibig sabihin du’n sa ginawa nila? Mind you, iba rin ‘yung nasa isip n’yo at ‘di maganda ‘yung ganu’n. ‘Wag sa ganu’ng sitwasyon, gawin nila ‘yun na sila-sila lang.


And sa isyu naman daw kina Tito at sa wife niya, ano’ng problema ru’n?”


Tanong ni @Damon Lopez, “EH, PAANO’ TO? ‘Yung matatandang naglaplapan?”


Say ni @Edita Singian, “Decent shows for everyone, both for kids and adults for that matter.. Thank you, MTRCB. More power.”


Mula kay @Jing Piaña, “Dapat kasi hindi magsama sa same show sina Ion and Vice kasi hindi nila ma-control ang mga sarili nila, dapat ay ilagay nila sa lugar ang mga actions nila.”


Pabor si @Tasha Han, “Yes, good job! Pakinggan n’yo ang boses ng masa lalo na ng mga magulang. Set limits and boundaries, especially ‘pag mga bata ang audience mo.”


May payo naman na dapat daw, pati mga vloggers ay ipatawag din dahil sa mga pagkokomento o nagpapakita rin ng kalaswaan sa social media.


Galing kay @Miladel Ellamil, “Movie and Television Review and Classification Board, sana meron din para sa mga vloggers na nagpapakita or nagpapalabas ng kalaswaan sa social media.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page