Malapit nang malipatan… ELLEN AT DEREK, IPINASILIP NA ANG IPINATATAYONG PALASYO
- BULGAR
- Dec 17, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 17, 2022

Maraming naaaliw sa mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay dahil sa mga kulitan nila.
Kung 'yung ibang showbiz couple ay napaka-private sa kanilang personal na buhay, sina Ellen at Derek, pati 'yung mga bagay na dapat ay personal na lang nila, isine-share pa sa social media.
Tuwang-tuwa si Ellen sa pambu-bully na ginagawa sa asawa and vice-versa naman kung minsan.
Sa IG ng aktres, sabi niya, "Annoyance level 5."
Makikita sa post ni Ellen na habang busy si Derek sa pagse-set sa kanilang orasan ay binu-bully niya ito.
Komento nga ng ilang netizens, "A match made in heaven."
"You're sooo gorg talaga!"
Samantala, pinasilip na rin nina Derek at Ellen ang kanilang palasyo. Malapit na itong matapos at soon ay malilipatan na nila ang bagong tahanan.





Comments