Malamang mabatikos si Mayor Sara ‘pag nag-file ng substitution
- BULGAR
- Oct 15, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 15, 2021
SEN. “BATO”, MALAMANG MADEKLARANG NUISANCE CANDIDATE NG COMELEC—May tatlong kategorya ang Comelec para ideklarang “nuisance” ang kandidatong nag-file ng COC (Certificate of Candidacy). Una, nag-file ng COC para gawing katatawanan ang eleksiyon; pangalawa, nag-file para gumawa ng pagkalito sa mga botante dahil kapangalan niya ang mas sikat na kandidato; at pangatlo, walang lehitimong intensiyong kumandidato sa elective office pero nag-file ng COC.
Naku, baka ideklarang nuisance candidate si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kasi sabi niya matapos siyang mag-file ng COC for president sa ilalim ng partidong PDP-Laban ay aatras naman siya kapag nagpasya si Presidential daughter Mayor Sara Duterte-Caprio na tumakbong pangulo.
Dahil wala naman talagang intensiyon si Sen. Bato na kumandidatong pangulo, kapag nagkataon pala ay ngayon lang mangyayari sa ‘Pinas na ang senador ay idineklarang nuisance candidate ng Comelec, boom!
◘◘◘
KAPAG NAG-FILE NG COC FOR PRESIDENT SI MAYOR SARA SA SUBSTITUTION, TIYAK NA BATIKOS ANG AABUTIN NIYA SA PUBLIKO—Naghain ng panukalang-batas si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na ipagbawal na ang substitution ng mga kandidato kasi inaabuso na ito, na ang ginagawa ng mga kandidato ay inuunggoy ang mamamayan na kesyo ayaw kumandidato, pero kalaunan sa pamamagitan ng substitution ay kumakandidato pagsapit ng Nov. 15, deadline ng palitan sa puwestong tatakbuhan ng mga pulitiko.
Ang panukalang ‘yan ni Rodriquez umano ng suporta sa iba’t ibang sektor.
‘Yan ngayon ang malaking problema ni Mayor Sara kasi ngayong tapos na ang filing ng candidacy, at bigla siyang nag-file ng COC for president bago o pagsapit ng Nov. 15, 2021 ay tiyak batikos aabutin niya sa publiko, period!
◘◘◘
ONLI IN DA ‘PINAS LANG NA ANG HEAD NG EDUCATION DEPT. AY NANGPI-FAKE NEWS—Kinontra ng ACT Teachers Partylist ang sinabi ni Sec. Leonor Briones ng DepEd (Dept. of Education) na sa panahon ng Duterte gov’t. tumaas ang suweldo ng mga guro.
‘Ika ng ACT Teachers, sa panahon ni P-Duterte nagmukhang kaawa-awa ang lagay ng mga guro kasi sa kasalukuyan ay sa hanay ng mga propesyunal, ang mga titser ng bayan ang may pinakamaliit na natatanggap na suweldo sa ‘Pinas.
Hay naku, onli in da ‘Pinas lang yata na ang head ng edukasyon sa ating bansa ay nampi-fake news, buwisit!





Comments