top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malalaos daw... FANS NI JULIA, TUTOL NA MAGPAKASAL NA SIYA KAY GERALD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 27, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 27, 2023




Balitang-balita ang diumano'y pagpo-propose ni Gerald Anderson sa nobyang si Julia Barretto.


Kaya, marami ang nakatutok sa mga latest na kaganapan sa relasyon ng dalawa.


Ikinatutuwa naman ng kanilang mga kaibigan ang balitang ito. Sa wakas, nakatagpo na raw si Gerald ng babaeng kanyang pakakasalan at tatapos sa pagiging chickboy niya.


Open naman si Gerald sa pagsasabing ready na siyang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya.


Pero, mukhang hindi agree ang mga fans and supporters ni Julia na magpakasal na siya kay Gerald.


Sayang daw ang career ni Julia, kung sakaling pumayag na itong magpakasal kay Gerald. Tiyak na malalaos na siya at lalamig ang kanyang career kapag may asawa at anak na siya.


Dapat ay mag-enjoy muna si Julia sa kanyang pagiging single. Bata pa siya at marami pang opportunities na maaaring dumating sa kanya na dapat niyang samantalahin.


Mahigpit ang kompetisyon ngayon sa showbiz. Maraming mas bata at mas magandang artista ang naglilitawan.


Milyones pa ang puwedeng kitain ni Julia sa showbiz, kaya dapat na pag-isipan niya munang mabuti bago siya gumawa ng malaking desisyon sa kanyang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page