top of page
Search
BULGAR

Malalaking media network, bigong ilantad ang tunay na sitwasyon sa ‘Pinas

ni Ka Ambo @Bistado | Nov. 3, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Deadlock sina ex-US President Donald Trump at VP Kamala Harris.

Meaning, kahit nag-substitution sa hardcourt ang Democrats tabla-tabla pa rin ang laban.


Malakas talaga si Trump!


----$$$--


WALANG mababago sa US at kalakaran sa buong daigdig kapag nanalo si Harris.

Repleksyon siya ng tradisyunal na pulitika.


-----$$$--


SAKALING magwagi uli si Trump, masasaksihan uli ng Amerika at buong daigdig ang inobasyon at pagbabago sa kalakaran.


Kinakabog ang China, Iran, Russia at North Korea sa isang panibagong Trump presidency.


----$$$--


KUMBAGA sa boxing, ilang beses nang na-knockdown ni Trump ang mga diskarte ng

Democrats.


Pinakauna ang kumbinasyon ng mga kaso na isinupalpal sa kanya sa iba’t ibang korte.

Pero, nadiskaril ang mga ito bago maghalalan.


-----$$$--


UNFAIR kay Trump ang pag-atras ni US President Joe Biden na malinaw na tinalo na niya

sa unang round.


Pandadanyo ito ng Democrats, dahil sa boxing kahit lupaypay na ang kalaban, walang “substitution”.


-----$$$--


OKEY lang, dahil iyan talaga ang batas, pero dapat ay malaki ang ungos ni Harris dahil mas batambata siya at may enerhiya kaysa kay Trump, pero bakit — hindi siya makaungos nang todo?


Ilang araw na lamang, at malalaman na kung sino ang “maghahari o magrereyna” sa buong daigdig.

Nanonood ang lahat — kabilang ang mga Pinoy.


-----$$$--


MAHALAGA ang resulta ng US election dahil imbes na bumuti ang sitwasyon sa daigdig, gumagrabe ito.


Aktuwal nang nagpasaklolo ang Russia sa North Korean soldiers kontra Ukraine.


----$$$--

ANG ibinababalang Ikatlong Digmaang Pandaigdig ay nagniningas na ang mitsa.


Aktuwal na ring kasali ang South Korea sa giyera sa Europe.


-----$$$--


NAKAPAGTATAKANG naduduwag ang NATO at EU na aktuwal na makisawsaw sa naturang digmaan — gayung obvious na kasali na rin sila.

Aktuwal na pagkukunwari o kaplastikan ‘yan.


Kumbaga sa chess, nang-uungguy-unggoy pa sila.


----$$$--


SA West Philippine Sea ay ganyan din ang sitwasyon dahil kakambal nito ang girian ng China at Taiwan.


Aktuwal nang pinaliligiran ng Mainland China ang Taiwan at Pilipinas.

Bigo ang mga nagdudunung-dunungan na political analyst na maibunyag ang “mga nasa likod ng balita”.


----$$$--


HINDI si Digong o DDS ang problema o isyu na dapat pagtuunan, bagkus ay ang napipintong digmaan kung saan hindi makakaiwas ang Luzon.


Mulat tayo na ang ibinababad sa media — mainstream at social media ay simpleng maruming pulitika.

Kaawa-awa ang ordinaryong tao na nabaon na sa pagiging “marites”.


-----$$$--


BIGO ang malalaking media network na ilantad ang tunay na sitwasyon sa bansa.

Ito ay dahil personalidad ng mga media practitioner ang inilalako — imbes ang aktuwal na isyu sa paligid.


Walang inobasyon, walang malalim na pagsasaliksik ang mga hitad!


 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page