Malala na talaga… KRIS, 11 NA ANG DOKTOR SA 'PINAS, MAG-A-ABROAD PA RIN PARA MAGPAGAMOT
ni Nitz Miralles - @Bida | March 8, 2022

Ang daming doctors na nag-aalaga at gumagamot kay Kris Aquino dito sa bansa, kaya ang dasal ng mga supporters ng aktres, maging okay siya para makalipad na sa ibang bansa for her treatment.
Sa bilang namin, 11 ang doctors na nag-aalaga kay Kris. May oncologist, may anesthesiologist, ‘yung iba, hindi niya binanggit kung ano ang tini-treat sa kanya at ‘yung pang-11 at bago sa team of doctors niya ay isang endocrinologist. Hindi binabanggit ni Kris ang apelyido ng kanyang team of doctors for their privacy.
In less than two weeks, lilipad na pa-ibang bansa si Kris at 2 anak na sina Josh at Bimb at bago umalis, inihingi rin niya ng prayers ang mga sisters niya na nagwo-worry sa kanya.
“Makulit ako, please also pray for my sisters who worry so much for their “baby” of the family (bunso po kasi), my sons, my trusted friends & my TEAM na talagang walang iwanan,” sabi ni Kris.





Comments