Malala na nga ang krisis, todo-nakaw pa ang mga LGUs, buwisit!

ni Ka Ambo - @Bistado | February 16, 2021
Imbes na madagdagan ang nagtatrabaho, itinala ang 25,000 katao na sinisante sa trabaho ngayong Pebrero.
Libu-libo ang obrero ang binawasan ng take home pay.
Ito ay ang pagbabawas ng oras at araw ng iskedyul ng mga skeletal forces ng kumpanya!
◘◘◘
Malinaw na gumagrabe ang krisis sa ekonomiya.
Pero ang mga mandarambong na LGU executives ay kontra sa pagbabalik normal.
Gusto nila ay magtagal pa ang krisis para patuloy nilang manakaw ang kaban ng bayan!
◘◘◘
Totodo na ang presyo ng petrolyo.
Sa Pilipinas, higit ang presyo ng langis dahil wala nang oil refinery.
Dagdag sa krisis ito!
◘◘◘
P1.5 bilyon ang pondo kontra sa komunista sa Davao City.
Intel fund ‘yan na hindi na mao-audit!
◘◘◘
Papayag na si P-Digong magpabakuna sa harap ng publiko.
Drama pa more!
◘◘◘
Kayrami nating nakausap na hindi magpapabakuna kontra COVID.
Natatakot daw sila na mamatay agad!
◘◘◘
Palpak ang mga information officer ng gobyerno dahil hindi nila nagawang imulat ang publiko sa kahalagahan ng bakuna.
Wala kasing tiwala ang taumbayan sa propaganda ng gobyerno!
◘◘◘
Walang kredibilidad ang gobyerno sa paglalabas ng impormasyon kaugnay ng COVID.
Pabagu-bago kasi sila ng opinion at datos.
Ang resulta nito ay “grabe” sapagkat—hindi sila pinaniniwalaan ng publiko!
◘◘◘
Kailangan ng Malacañang ang bihasang propagandista.
Kailangan ng gobyerno ang matinong paglalabas ng impormasyon na paniniwalaan ng taumbayan!
◘◘◘
Ang regular updates sa COVID—ay walang talab sapagkat puspos ito ng pananakot—imbes na teknikal na datos na magagamit ng taumbayan sa personal nap ag-aanalisa.
Nais ng gobyerno na idikta sa taumbayan ang desisyon o impluwensiyahan ng maling datos ang kaisipan at desisyon!
◘◘◘
Inaakala ng gobyerno na pinaniniwalaan sila ng taumbayan.
Sa katotohanan at aktuwal, wala nang patol ang pamahalaan!
◘◘◘
Malungkot na sitwasyon sa panahon ng krisis ay ang hindi paniwalaan ang inilalabas ng impormasyon ng gobyerno.
Halimbawa, bakit ikinakaila ang “smuggled vaccine”—gayong normal ‘yan sa Pilipinas?
Dapat umaresto nang “sampol” ang gobyerno ng ismagler—upang maibalik ang tiwala ng taumbayan.
Isang malaking paghamon ito sa Malacañang!





Comments