Malakas na immune system, ‘agimat’ kontra virus, period!

ni Ka Ambo - @Bistado | January 26, 2021
Normal sa virus na magkaroon ng mutation lalo pa’t halos isang taon na ang COVID.
Matagal na ring inabiso ‘yan ng mga eksperto.
Inuulit-ulit lang ng media ang lumang balita kaya’t nagiging mukhang bago!
◘◘◘
Sa Pilipinas, pinaniniwalaang may bago ring variant ang COVID, hindi pa lang ito nakukumpirma.
Ang virus ay immortal—kasi’y hindi naman ito “livings things”!
◘◘◘
Ang virus ay kumakapit at nagmu-multiply sa cells na pundasyon ng living things.
Ang katawan ng tao ay binubuo ng bilyun-bilyong “cells” at ito ang “may buhay” na siyang nagmu-multiply exponentially.
Ibig sabihin, ang cells kung saan nakakapit ang virus ang kumakalat!
◘◘◘
Tinatangka ng mga scientist na pigilin ang pag-multiply ng cell na kinapitan ng virus.
Maselan at komplikado ang proseso ng virus—na dapat matiyagang ipinaliliwanag ng mga awtoridad!
◘◘◘
Ang cells na kinapitan ng virus ay karaniwang nabubuhay sa mga acidic host kaya’t ipinapayo ng mga eksperto na dapat maging “alkaline” ang indibidwal upang kumapit man ang virus—ay hindi gaanong tatalab, bagkus ay babagal ang replication.
‘Yan ang dahilan kung bakit pinaiiwasan ang mga pagkain na nagbubunsod ng acidity at iminumungkahi ang pagkain na nagnu-neutralize ng “body ph level”!
◘◘◘
Pinakaepektibo pangontra sa virus ay ang pagpapalakas na immune system.
Sa lahat ng sakit o kahit sa panahon ng pagtanda, ang immune system pa rin ang tutulong sa pisikal na katawan ng tao!
◘◘◘
Hindi kailangan ang mamahaling gamot upang mapalakas ang immune system bagkus ay simpleng disiplina lamang, pagkamulat at pagsasaliksik ay sapat nang mapalakas ang immune system nang hindi kailangan gumastos ng indibidwal.
Dapat ding umiwas na uminom o kumain ng mga herbal supplement o tulad nito dahil karaniwang hindi ligtas ang preparasyon nito kung saan nag-iiwan ng “toxin” sa katawan ng tao!
◘◘◘
Ang herbal at iba pang droga ay karaniwang sinasala o nililinis ng atay at kidney kaya’t karaniwang sakit ng mga gumagamit ng herbal supplements ay nagkakaroon ng liver at kidney disease.
Ugaling magpa-laboratory test nang regular lalo na’t umiinom ng mga gamot at supplements ang indibidwal!
◘◘◘
Ang pag-iwas na mapagod, mapuyat, magutom o mauhaw o makaramdam ng stress o pagkabagot ay epektibong pampabulas ng immune system bukod pa ang pagkain ng masustansiya at sariwang pagkain.
Mahalagang maipahinga, hindi lang ang pisikal na katawan bagkus ay maging ang isip o utak.
Magagawa ito sa pamamagitan ng meditasyon at pagdarasal!
◘◘◘
Mahalaga rin ang regular exercise upang maglabas ng positibong hormones ang katawan na magpapalakas ng kanyang kabuuan.
Ang ehersisyo, kakambal ng sikat ng araw ay nagpapasigla sa immune system at nagbibigay ng kapayapaan sa isip at kaluluwa dahil isang klase rin ito ng meditasyon!
◘◘◘
Hindi lang ang pisikal at isip o utak ang dapat ipahinga o pabulasin upang lumakas ang immune system—bagkus maging ang kaluluwa.
Paano palalakasin o pasisiglahin ang kaluluwa na makatutulong sa pagpapasigla ng immune system?
Bukod sa pagdarasal, dapat magsagawa ng charity o pagkakawang-gawa o pagtulong sa kapwa ang bawat tao!
◘◘◘
Mahalagang alisin ang galit, pagkamuhi, inggit, paghihiganti, paghihinagpis, panininisi at panunumbat sa kapwa kung saan dapat palitan ito ng wagas na pang-unawa, pagpapatawad at taos-pusong pag-ibig sa kapwa nilalang.
Libre lang ang pagpapabulas ng immune system.
Sa sinaunang sibilisasyon sa Tagalog region, ang tawag sa super energetic na immune system — ay bertud, agimat at anting-anting!





Comments