Malakas ang bulung-bulungan sa Marcos-Duterte tandem, abangan!
ni Ka Ambo - @Bistado | July 27, 2021
SUMIKAT ang araw nang mag-SONA si P-Digong.
Nakisama ang langit!
◘◘◘
HINDI na mapigil ang pagdami ng tinatamaan ng Delta variant.
Kailangang sumaklolo na ang Delta Force!
◘◘◘
MAY nagtangka patalsikin si Sen. Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President.
Walang kinalaman si Vice Ganda!
◘◘◘
MARAMI ang nagsasabing perfect tandem ang Isko Moreno-Manny Pacquiao sa 2022.
Akronym?
IskoMa o MorPac!
◘◘◘
INAASAHAN ang first Olympic gold mula sa boxing.
May pakiramdam tayong madadale na ‘yan ngayong Agosto!
◘◘◘
MALAKAS ang bulung-bulungan sa Marcos-Duterte tandem.
‘Yan ang malakas!
◘◘◘
POSIBLENG makalaban nila ang Mayor Isko-Pacquiao; at Ping Lacson-Tito Sotto.
Wala pang linaw ang kampo ni VP Leni at ex-Speaker Alan Peter Cayetano!
◘◘◘
KUNG titignan, tipong desidido bilang third force ang Lacson-Sotto.
Pero, bakit nauna pa ang third force sa first at second force.
Bakit?
◘◘◘
DIRETSO lang ang pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.
Bakit walang daily update sa economic crisis ang Department of Finance at DTI?
◘◘◘
WALA ring inilalabas na updates ang Comelec hinggil sa on-going voter’s registration.
Dapat may regular ding datos na inilalabas ang Comelec tulad ng DOH kaugnay sa COVID data!
◘◘◘
WALA sa maayos na diskarte ang gobyerno kaugnay sa epektibong paglalabas ng impormasyon.
Hindi ginagamit ng gobyerno ang teknolohiya kaugnay dito!
◘◘◘
ISANG dahilan dito ay dahil matatanda ang may hawak ng gobyerno imbes na kabataan.
Dapat ipaubaya sa kabataan ang pamamalakad sa pamahalaan!





Comments