Mala-teleserye raw ang eksena, may escort pa… SARAH, PINAALIS SA SOSYAL NA BAR NG PADIR NG EX-GF NI MARTY ROMUALDEZ
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 26, 2025

Photo: File / FB Sarah Lahbati
Kalat na kalat at mainit na usapan ngayon sa social media ang diumano’y pagpapaalis kay Sarah Lahbati sa isang posh bar sa Taguig nu’ng Lunes nang gabi, Nov. 24.
Ang kumakalat na kuwento, mala-high society teleserye ang naganap na eksena sa Medusa Bar dahil ang mga involved na pangalan ay kabilang sa mga richest businessmen sa Pilipinas.
Ayon diumano sa ilang witness, pagkatapos ng malaking Tatler-style event, dumiretso ang ilang big names sa Medusa Bar para sa unofficial after-party. Nasa venue raw sina Rocio Zobel, Pia Wurtzbach at Georgina Wilson nang dumating si Marty Romualdez.
Maya-maya, kasunod na raw nitong pumasok sa Medusa si Sarah Lahbati.
Pagpasok pa lang daw ni Sarah, nag-iba na ang ambiance sa bar.
Lumapit daw si Rocio sa dad niyang si Mr. Iñigo Zobel (director of San Miguel Corporation) at sinabing: “Sarah just walked in.”
Tumayo naman daw si Mr. Zobel, kinausap ang staff, at after ng ilang sandali, nakitang in-escort-an na si Sarah palabas ng venue.
Ayon pa sa balita, walang sigawan o gulo pero na-shocked daw si Sarah habang nakatingin sa kanya ang lahat.
Well, wala pang malinaw na dahilan kung bakit pinaalis diumano si Sarah sa Medusa Bar. Pero kung tama ang pagkakaalam namin, nali-link ngayon si Sarah kay Marty Romualdez – anak ni dating House Speaker Martin Romualdez – na ex-boyfriend naman ni Rocio Zobel.
Bukas ang aming kolum para sa paglilinaw ng mga taong sangkot sa balitang ito.
May mga gustong magpa-selfie…
VINCENT, INSTANT CELEBRITY NA RIN DAHIL KAY BEA
Puregold Price Club, Inc. President Vincent Co led the first wave of runners at the first-ever Puregold Hakot Relay Run. (Photo Credit to Running Photographers)
NAGING instant celebrity talaga ang Puregold president na si Mr. Vincent Co dahil kay Bea Alonzo.
Si Vincent ang nanguna sa ginanap na first-ever “Puregold Hakot Relay Run” sa Burnham Green Park, Luneta noong Nobyembre 22, na dinaluhan ng libu-libong consumers-runners.
Sa pagsisimula pa lang ng fun run, marami nang naghahanap sa celebrity GF ni Vincent na si Bea Alonzo, pero baka may prior commitment ang aktres kaya hindi naka-join.
‘Kaaliw lang ang ibang runners na nahihiya lang siguro pero gustong magpa-selfie kay Vincent na madalas na ngang laman ngayon ng social media dahil sa mga lambingan moments nila ni Bea sa ilang events.
Anyway, ayon kay Sir Chris Cahilig na nagpatawag sa media para maki-join din sa Hakot Relay Run at Sunset Concert, naisip ni Vincent Co ang activity na ito para mapatibay ang patuloy na pagsusumikap ng Puregold na magtaguyod ng mga
inisyatibo para sa komunidad, alinsunod sa estratehiya ng brand para sa paglago ng mga kostumer nito.
Sa paghahalo ng isports, entertainment, at ang karanasan ng hakot na mula sa Puregold, ipinakilala ng tatlong kilometrong relay na ito ang kakaibang lapit sa tradisyonal na format ng mga fun run.
Bumuo ang mga kalahok ng mga koponang may tatlong miyembro, na tumakbo hindi lamang para magpakitang-gilas ng bilis, kung hindi pati na rin estratehiya—dahil mag-uunahang humakot ang bawat miyembro ng koponan ng mga grocery items na ilalagay nila sa kanilang sling bag. Dahil sa pagkasabik at saya, nagsama-sama ang mga pamilya, barkada, at komunidad sa paraang Puregold lamang ang nakagawa.
Tuwang-tuwa ang mga runners dahil naging healthy na sila sa kanilang pagtakbo, nagkaroon pa sila ng chance na humakot ng mga grocery items na mula sa Puregold.
Nagtanghal din sa isang Sunset Concert sa Hakot Relay Run, kung saan itinampok ang mga idolo sa OPM at P-Pop, kagaya ng KAIA, G22, Press Hit Play, at ang tambalang BREKA (Brent Manalo at Mika Salamanca); at napuno ang parke ng musika at selebrasyon para sa mga pamilya at tagasunod.
Panalo na ang lahat ng kalahok dahil nag-uwi sila ng Puregold Hakot Relay Finisher’s Medal, opisyal na race singlet, at ang grocery sling bag, na nilikha para sa aktibidad.
Sinasalamin ng Puregold Hakot Relay Run ang pangkalahatang layunin ng kompanya na iangat ang mga Pilipino at ipagdiwang ang mga araw-araw na panalo.
Ani Puregold President Vincent Co, na pinangunahan ang mga naunang tumakbong kalahok, “Maraming anyo ang panalo. Bagong panalo ito para sa amin, dahil lumikha ang Puregold ng mga sandaling bumubuo ng ugnayan ang mga pamilya, kaibigan, at komunidad. Ibinigay iyon sa amin ng Hakot Relay Run.”
Ang tagumpay ng Puregold sa kauna-unahang Hakot Relay Run ay patunay ng potensiyal para sa mas malikhaing inisyatibo na magpapatatag at magpapalalim ng pagmamahal ng mga kostumer sa Puregold.
Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa Tiktok.










Comments